Mangingisda, Bulag sa Kidlat

LIGTAS ANG isang mangi-ngisda matapos na tamaan ng kidlat ngunit nabulag naman ang mga mata sa bayan ng Binmaley sa Pangasinan.

Kinilala ang biktimang si Elmer Ventinilla, 25-anyos, nakatira sa Barangay Buenlag sa nasabing bayan.

Nawalan ng paningin ang biktima matapos labis na maapektuhan ang kanyang mga mata nang siya ay ma-kidlatan habang nasa gitna ng palaisdaan.

Napag-alaman na kasama ng mangingisda ang ilan nitong kaibigan ngunit sa kasamaang palad ay siya ang napuruhan ng talim ng kidlat.

Kaagad naman itong isinugod sa pagamutan at kasalukuyan nang nagpapagaling.  (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.