MANDARAYANG LENDING INVESTOR KONEKTADO SA BIR

ILANG EMPLEYADO SA isang lending investor na pag-aari ng dalawang Indian national ang nagre-reklamo at nagbulgar hinggil sa umano’y pandaraya ng mga huli sa Bureau of Internal Revenue (BIR), at paggamit ng pekeng resibo na pinagawa sa isang printing press na inilihim ng mga ito na pag-aari rin ng isang pulitiko sa Urdaneta City, Pangasinan.

Ayon sa sumbong ng ilang empleyado ng NDS Lending Investors, pag-aari umano ito ng mga mayayamang Indian nationals na nakilala sa mga pangalang Philip at Robert, nagpalit na ng mga pangalang Pilipino pero mga Bombay, na umano’y pinaghihinalaang mga overstaying sa bansa.

Napag-alaman sa mga mapagkakatiwalaang source na inaapi ng mga ito noong sila pa ay nagtatrabaho rito, isang mil-yong piso lamang daw ang ipinarehistrong kapital ng mga ito, upang maliit ang babayarang tax, pero P20 milyon naman daw ang kanilang totoong kapital.

Nabatid pa na may koneksyon daw ang mga ito sa loob ng BIR Urda-neta kaya ilan lamang ang nakarehistrong ginagamit na resibo sa BIR at ang iba ay mga peke na pina-iimprenta sa lihim nilang printing press na pag-aari ng isang dating bise-alkalde sa nabanggit na lungsod.

Nabatid pa na kunwari ay nagpakasal ang mga ito sa mga babaeng Pilipina upang maging Filipino Citizen na ang mga ito, na kahit overstaying na sila ay hindi sila mai-deport. Pero lumalabas na may mga koneksyon ang mga ito at peke umano ang kanilang kasal sa bansa.

Nabatid pa na kina-kaltasan daw umano ng SSS ang mga empleyado o kolektor nila pero hindi naman daw umano nire-remit sa tanggapan ng SSS kaya kawawa ang mga nagiging empleyado ng mga ito.

Nais manawagan ang mga kostumer at mga empleyado nito sa BIR sa Manila na paimbestigahan ang BIR Regional District Officer sa lungsod ng Urdaneta sa sumbong na ito ng mga empleyado, at kung maaari ay agad si-lang sibakin sa puwesto, dahil lalong nalulugi ang gobyerno sa mga ginagawang pangungurakot ng mga kawani ng BIR.

(Parazzi Investigative Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “MANDARAYANG LENDING INVESTOR KONEKTADO SA BIR

  1. Good day po.. Gusto ko po snang m aksyunan ang asosasyon ng jeep dto sa amin .ang SM-BASIJODA. Dhil s tingin po ng mga myembro merong d kanais nais n ktiwalian n nangyayari. Npag alaman po nmin sa SEC n dpo sila nag cocomply ng financial statement nla taon taon. Tintkot din po nya amg mga myembro n wag pumirma s pag papa audit s opisina. Non profit po ang inilgay nla s sec pero nsa daang libo po ang pumpsok n pera s opisina .wla din po silang gingmit n official receipt khit npo 20k n ang singil nla s mga mag pp myembro s knila .araw2 wlng ptid ang pagbyad ng mga drivers s butaw khit po suspindido cla .nagttka lng po kmi kc ang presidente po nmin dating driver ng jeep at nangunguphan lng ngyon me sarili at bgong bgong jeep npo sya . SNA po ay m imbestghan po sna sila s tulong po ninyo. Slmat po ng marami.

Leave a Reply

Your email address will not be published.