Mandaluyong pa ang tumulong QC, ‘di sinuportahan si Kuya Germs! – Mell Navarro

MAGKAKAROON DAW NG isang celebrity golf tournament to be produced ng mga Abalos ng Mandaluyong City, and ang magiging proceeds nito ay para sa itatayong German Moreno Foundation ni Kuya Germs.

Sa tinagal-tagal na ni Kuya Germs sa showbiz at sa dami ng kanyang natulugan, noon pa pala niya nais magtayo ng sariling foundation. Pero kung sa bagay, kahit naman wala siyang foundation, eh, ang dami na nitong natulungang mga baguhan sa showbiz na nagkaroon na ng mga pangalan.

Ang  nakakaloka, kulang sa suporta sa kanya ang Quezon City government, like ang “pagbaril” sa panukala niyang sa QC government noon ilagay ang kanyang brainchild idea na Philippines’ Walk of Fame, dahil entertainment capital city namang maituturing ang QC dahil nandoon ang top stations ng bansa – ang ABS-CBN at GMA.

Ending, napunta ito sa Eastwood City sa Libis, pero kada event ng master showman doon, sa sarili pa rin niyang bulsa nanggagaling ang ginagastos niya, nasa 100 thousand pataas each event. Libre lang ang venue. Pero walang suporta from QC government.

Mga taga-Mandaluyong pang mga Abalos ang tutulong sa mga advocacies ni Kuya Germs.

KALOKA ang isang Sexy Young Star na mukhang aalagaan pa man din ng kanyang mother network kung saan siya nagsimula as bagets-bagets roles, pero ang husay rin nito kasing sumayaw at mag-sexy dancing, to be exact.

Aba, mahusay rin pala itong “sumayaw” sa daloy ng buhay dahil pati Prinsipe ng Bahrain ay naakit ng kanyang alindog, huh! Yep, no less than the Prince of Bahrain ang nabighani sa kaseksihan ni SYS na maganda rin ang mukha at may semi-regular na gag show sa giant network.

Nito lang buwan na ito, kababalik lang ni SYS mula sa bansang mayaman sa langis. Ilang weeks itong nag-bakasyon doon kapiling ang jowang Prinsipe, anak ng tipong Prime Minister o may pinakamataas nang posisyon sa pamahalaan ng Bahrain.

Ang nakakalokah ay “Bugaloo” as in napakahusay na bugaw ng gay talent manager nito, noon pa man hanggang ngayon. Hindi nga malaman ng mga taong nakakikilala sa kanya kung paano ito nagkaroon ng gano’ng “talent” – ang disimulado pero mahusay na pambobola sa mga mayayamang hombre, maibugaw lang ang dyulagang bilat.

Ang latest nga, eh, nakaabot na ito sa Prinsipe ng Bahrain, huh! At nu’ng umuwi raw ng ‘Pinas ang bugaloo talent manager, eh, wiz nitong nabitbit ang male-maletang salapi na paysung o gibsung kay SYS, at baka matimbrehan siya sa airport, kundi ipapa-deposit na lamang nito ang datung sa kanyang bank account!

“’Day, kinukunsinte rin ‘yan ng magulang niya dahil mahirap nga naman ang buhay, so kapit sa patalim na lang siya, ‘noh!” Sey ng source namin. Well, ikaw na nga naman ang maging “Princess” ng isang Prinsipe, huh, saan ka pa lulugar?

Gets n’yo ang clue?

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

loading...

3 thoughts on “Mandaluyong pa ang tumulong QC, ‘di sinuportahan si Kuya Germs! – Mell Navarro

Leave a Reply

Your email address will not be published.