Manay Ethel Ramos, nagdiwang ng kaarawan kasama ang malalapit na kaibigan sa showbiz!

NAGDIWANG NG KANYANG kaarawan ang tinaguriang dean of local entertainment press at dakilang manager nina Aga Muhlach at Angel Locsin na si Tita Ethel Ramos, o kilala rin sa tawag na Manay Ethel nu’ng Lunes ng gabi.

Isang maliit na salu-salo lang ang naganap at tsikahan na dinaluhan ng buong pamilya ng beteranang manunulat at ilan sa malalapit na kaibigan nito sa showbiz, gaya nina Ricky Lo, Dolor Guevarra, June Rufino, Shirley Kuan, Crispina Belen, Malou Fagar, Manay Ichu Vera Perez-Maceda, Mother Lily Monteverde, at iba pa.

Kung wala man si Angel, dahil kasalukuyang nasa Paris, siyempre, hindi mawawala ang mag-asawang Aga at Charlene Gonzales-Muhlach, gaano man kalakas ang ulan nu’ng gabing ‘yon. Dumating din ang mommy ni Char (tawag namin sa beauty queen-TV host) na si Elvie Gonzales.

Hindi rin p’wedeng mawala kada birthday celebration ni Tita Ethel ang malapit sa puso niyang si Sen. Bong Revilla Jr. at may-bahay nitong si Congw. Lani Mercado, gayon din ang First Lady ng Rizal province na si Andrea Bautista-Ynares.

Present din si Philip Salvador sa party at napadaan naman si Tim Yap para bumati rin kay Tita Ethel na nasa isang meeting sa isa sa mga function room ng Annabel’s resto sa Tomas Morato, Quezon City.

 

MEDYO MALAKI PA rin daw pala ang pangangatawan ngayon ni Maxene Eigenmann na pansamantalang nahinto sa showbiz, dahil nagdalang-tao rin ito, gaya ng kanyang half-sister na si Andi Eigenmann, ayon sa aming source na nakakita sa kanya sa concert ng international rock band na Incubus sa Smart Araneta Coliseum last Thursday night.

Maganda pa rin daw ang anak ni Mark Gil kay Bing Pimentel at kapatid ni Sid Lucero na si Maxene, kahit walang make-up na naka-short shorts na maong kasama ang kanyang boyfriend diumano, na sabi ng aming source ay mukhang medyo malaki ang agwat ng edad nito sa aktres.

Bukod kay Maxene at boyfriend nito, magkahiwalay ring namataan sa concert sina Glaiza de Castro at Regine Angeles na may ka-date na non-showbiz guy na mukhang rakista.

 
Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

One thought on “Manay Ethel Ramos, nagdiwang ng kaarawan kasama ang malalapit na kaibigan sa showbiz!

  1. Pingback: Manay Ethel Ramos, nagdiwang ng kaarawan kasama ang malalapit na kaibigan sa showbiz! - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.