Mananahi, kalaboso sa panghihipo

BAGSAK SA KULUNGAN ang isang mananahi matapos arestuhin ng mga awtoridad makaraang ireklamo ng panghihipo ng isang ginang na kapitbahay ng una kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Navotas City police at nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness ang suspek na si Arnel Trajano y Aquino, 45, may-asawa, sewer, residente ng # 151 Masipag St., Brgy. Tanza, Navotas City.

Sa reklamo ng biktimang si Rachel Estrellado, 33, may-asawa, kalugar ng biktima, dakong alas 9:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa may balkonahe ng kanilang bahay.

Sinabi pa nito, na nakatayo lamang ito sa balkonahe ng kanilang bahay nang mapadaan sa kanyang harapan ang suspek na lango sa alak.

Dito, bigla na lamang siyang niyapos at pinaghihipuan sa maseselang bahagi ng kanyang katawan.

Bago pa man tuluyang isakatuparan ng suspek ang kalibugan nito ay agad siyang kumalas sa suspek at humingi ng tulong sa mga kapitbahay na nagresulta ng pagkakadakip kay Trajano at dinala ito sa nasabing himpilan ng pulisya.                         (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.