Manager ni Cesar Montano, sobrang magmatigas!

MAY NAGTANONG SA amin kung ano raw ang masasabi namin sa misunderstanding nina Cesar Montano at manager nitong si Norma Japitana.

Actually, wala. Dahil unang-una, kung meron mang makalulutas ng problema nila, silang dalawa lang ‘yon. Basta ‘wag lang pairalin ang pride.

Si Cesar, sa mga nababasa namin, nagpapakumbaba na. Itong si Norma Japitana lang ang – ayon pa rin sa mga nababasa namin – matigas.

Juice ko, kung nagmamatigas man ang manager, ano ba namang isipin na lang niya ‘yung magagandang pinagsamahan nila ni Cesar, ‘di ba?

Let’s face it, nagkatulungan naman sila. Ayon nga kay Buboy, sa kanya na nga dumidiretso ang ibang offers, eh. Habang binibigyan pa rin niya ng komisyon ang manager niya.

Saka pangit kung magmamatigas pa’t idadaan pa sa PAMI (samahan ng mga talent managers). Kahit magkaayos silang dalawa, ‘yung lamat, ‘andu’n na.

SAKA KUNG TOTOO man ang nababalitaan naming hindi na masyadong “kina-career” ni Norma J. ang career ni Cesar, aba eh, itong pangyayaring ito ay dapat na magsilbing eye opener.

Actually, manager din kami tulad ni Norma J. Pero hindi namin magawang mabigyang-katuwiran si Norma J, dahil may encounter kami sa kanya noon.

Alam n’yo kung ano?

Hindi na nga marunong magpasalamat sa magagandang isinusulat namin noon sa mga alaga niya, aba, minsan lang naming kantiin ang alaga niya, eh, pagmumurahin ba naman kami sa telepono?

At juice ko po, buti na lang at bulaklak ng dila na lang para sa amin ang mga salitang, “Put—ina mo!” hindi na namin siya sineryoso.

At alam ni Norma J. na hindi namin siya minura pabalik. Ni hindi namin siya tinaasan ng boses, dahil halos malagutan na siya ng hininga, este, ng litid sa leeg sa kamumura sa amin, dahil inisip nga namin, dapat, igalang ang matatanda.

At alam n’yo ba ang da hayt ng kanyang talak sa amin?

“Ikaw ang pinakapangit na baklang nakilala ko. Palibhasa, hindi ka nakakatanggap ng sobre sa akin, kaya ganyan ka sa mga alaga ko, put–ina mong bakla ka!”

Kaya we just realized, naiintindihan na namin kung saan nanggagaling ang reklamo ni Cesar sa manager niya.

But people change naman, eh. Malay natin, nagbago na si Norma J. It’s either, mabait na siya o mas naging salbahe pa.

AY, OO NGA pala, magka-birthday sina Manay Ethel Ramos at Cesar Montano nu’ng August 1, kaya binabati namin sila ng belated happy birthday.

Ginanap ang birthday ni Cesar sa kanyang Italian resto sa Morato kung saan kapiling ang mga piling-piling bisita.

Wala ‘ata du’n ang manager niya.

Understood na ‘yon.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

3 thoughts on “Manager ni Cesar Montano, sobrang magmatigas!

  1. hoy ogie, bat biglang kambyo ka kay Cesar Montano ngayon? if i remember it right galit ka din dati kay Cesar bcoz of Tulfo-Nina Corpuz issue di ba? Magkano binigay syo?

Leave a Reply

Your email address will not be published.