Manager ng SexBomb na si Joy Cancio, umalma sa maling balita tungkol sa kanya!

BAGAY NA bagay kay Joy Cancio ang Watson’s Compliance Pack for Hypertension, Diabetes,and High Cholesterol dahil sa isyung kinasasangkutan niya ngayon. At dahil dito, nagsalita na ang manager ng SexBomb dancers na si Joy kaugnay sa isyung tumalbog ang tsekeng ibinayad niya kina Iza Calzado at Mr. Fu.

Galit ang manager ng SexBomb dahil nananahimik siya pero biglang nakaladkad ang kanyang pangalan sa usaping wala siyang alam. “Hindi lang ako ang nagulat kundi buong pamilya ko talaga. Imagine headline pa na naghihirap na raw ako at nagtalbugan ang ibinayad kong tseke. Hindi ko itinatangging ang lahat ng tao ay dumaraan sa ups and downs, pero never akong nag-issue ng tseke na tumalbog dahil maingat ako pagdating sa mga ganu’ng bagay,” sunud-sunod na sabi ni Joy sa amin habang kausap namin siya.

Ayon kay Joy, totoong nagkawatak watak na ang kanyang original SexBomb, pero may grupo pa rin siyang hinahawakan at aktibo pa rin ang mga ito sa Channel 2 at sa mga shows sa Channel 7. “Nagugulat ako sa mga taong nagsusulat ng mga ganito nang hindi man lang nila kinukuha ang panig nu’ng taong isusulat nila. Tulad nito, maling-mali ang sinabi nila sa akin.”

Kinumpirma ni Joy na hindi siya ang ‘Joy’ na naisulat sa isang tabloid. “Joy Cancio ang pangalan na isinulat nila at ang sabi pa nila hindi raw Joy Cancio ang dapat na itawag sa akin, kundi ‘Sorrow Cancio’ na. Imagine that. Iginawa nila ako ng kuwentong napaka-unfair para sa akin dahil kung nag-research sila, malalaman nilang hindi ako ‘yung Joy na may problema kina Iza.

Napag-alaman ni Joy na isang nagngangalang Joy ang tinutukoy sa tabloid. “Hindi ako. Kilala ko kung sinong Joy ang sinasabi nila. At nakakatawa sila. Dahil since nu’ng lumabas ang pangalan ko up to now, hindi pa rin sila nagso-sorry sa akin. Ako naman, Morly, madali akong kausap.Mga kaibigan naman ang mga iyan. Ewan ko lang kumbakit ba parang tuwang-tuwa ‘yung iba na maghirap ‘yung dati nilang kaibigan. Samantalang magkakasama naman tayo nu’ng mga panahong aktibong-aktibo pa ang original SexBomb, ‘di ba?

Sa pagtatapos ni Joy, sinabi nito na undecided siya kung magdedemanda siya o hindi pero ang tiyak, sobra siyang nasaktan dahil kinaladkad ang malinis niyang pangalan sa bagay na inosente at wala siyang alam.

 

MUKHANG HIGH blood pa rin hanggang ngayon si Nadia Montenegro kay Annabelle Rama kaya mangangaila-ngan din ito ng Watson’s Compliance Pack for Hypertension, Diabetes and High Cholesterol para maiwasan nitong tumaas ang presyon ng dugo sa muling pagkikita nila ni Annabelle ngayong araw na ito ng Miyerkules.

Yes, muli na namang magsasalubong ang landas nina Annabelle at Nadia matapos na sila ay magsalubong noon sa Quezon City Regional Trial Court matapos na ihabla ng dating aktres ang ma-taray na Bisayang ina nina Ruffa Gutierrez at Richard Gutierrez.

Ayon kay Nadia, hindi siya titigil hangga’t hindi nabibigyang kaparusahan si Annabelle. “Matagal akong nanahimik Morly. Matagal kong pinagtiisan ang mga ginagawa niya sa aking anak pero sobra na ito. Ayoko namang dumating ang araw na sumbatan ako ng aking mga anak na hindi ko man lang sila ipinagtanggol sa pang-aaping ginawa sa kanila ni Annabelle. Oo, ipinagkatiwala ko sa kanya ang aking mga anak bilang manager at akala ko noon ay nasa mabuting kamay ang mga anak ko. Pero hindi ganu’n ang nangyari. Sobrang pagmamaliit ang mga ginawa niya sa aking mga anak. Masyado niya kaming hinamak,” tuluy-tuloy na panimula ni Nadia sa amin.

Ayon kay Nadia, dumarami ang mga kasong isinasampa niya laban kay Annabelle, dahil sa mga paulit-ulit na mga salitang ibinabato sa kanila. “Sino ba ang gusto ng demanda? Sino ba ang taong gugustuhing maperhuwisyo sila. Pero kung hindi ko ito gagawin, paano?”

Honestly, kung si Nadia ang tatanungin, maliit lang ang showbiz. Hindi na dapat pang nauuwi sa demandahan ang mga kasong napapag-usapan pero bilang sobrang nasaktan daw siya sa sitwasyon na kinalagyan ng kanyang mga anak. “Ayoko nang magsalita about Annabelle, dahil nakasampa na ‘yan sa korte. Pero isa lang ang masasabi ko, hindi ko siya uurungan kahit sa anong klaseng laban,” pagwawakas ni Nadia na may damdaming ina.

Kaya ngayong araw na ito ng Miyerkules, isa ang Pinoy Parazzi ang nakikipagsiksikan sa mga mediaman para sumaksi sa muling world war nina Bisaya at Nadia. Tsuk!

 

PERSONAL: SA presscon ng Watson’s Compliance Pack for Hypertension, Diabetes & High Cholesterol, nalaman ko kung gaano kaimportante ang mga pagkaing pumapasok sa ating katawan. Hindi lang pala ito bumubusog sa kumakalam nating tiyan, kundi may iba’t ibang role pala itong ginagampanan. Kaya kung hindi tayo magiging maingat ay baka isa tayo sa dumaraming pupulasyon na may problema sa kalusugan.

 

More Luck
by Morly Alinio

loading...

2 thoughts on “Manager ng SexBomb na si Joy Cancio, umalma sa maling balita tungkol sa kanya!

  1. wala naman iyang si dabiana! look wala na iyung kay cristy fermin! ningas kugon lang iyan! may maniwala pa kaya dyan! ask gretchen!

  2. wala ka kasing utang na loob kaya ayan nagbagsakan ang dancer mo. kita mo wala ng nagcocomment man lang dito. pasalamat ka sa akin. next time tumanaw ng utang na loob. tapatan ba ang show na umaruga sa kanila ng mahabang panahon. ngayon tigok na ang show . wawa naman. better be wise next time!

Leave a Reply

Your email address will not be published.