Manager ng Sexbomb, madalas maispatan sa Dos!

ISANG MALAKING PALAISIPAN sa mga nakakakita sa CEO/President ng Focus E na si Ms. Joy Cancio sa bakuran ng ABS-CBN dahil identified ito sa GMA-7. Kung ilang beses na ngang namamataan si Ms. Joy sa Kapamilya Network, kausap ang mga bossing ng naturang TV network

Ito na kaya ang hudyat ng paglipat ng Sexbomb sa Dos, na kung ilang buwan na ring walang masasabing regular show at pulos guestings lang ang ginagawa sa Kapuso Network.

Ano naman kaya ang nangyari sa napabalitang negosasyon daw na nagaganap between Ms. Joy at TV5 para ilipat doon ang Daisy Siete? Hindi kaya nag-materialize o mas pinili na siguro ni Ms. Joy ang ABS-CBN para na rin mapanood ng TFC ang Sexbomb at ibang alaga nito.

Well ‘yan ang aabangan natin sa mga susunod na buwan, kung tuluyan na ngang iiwan ng Sexbomb ang GMA-7 at mag-oober da bakod na rin sa ABS-CBN. ‘Yun na!

GOOD HEALTH AT Successful Business! Ito ang ilan sa naging wish ng CEO/President ng New Placenta at Olive C na si Sir Jaime “Jim” Acosta na nag-celebrate ng kanyang 42nd birthday last Jan. 28, 2011 na ginanap sa clubhouse ng Palladium Village, Shaw Blvd., Mandaluyong City. Kung saan nagsilbing host ang Talentadong Pinoy contestant na si Mark M.

Bukod sa mga awiting inihandog  ng Creworks talents na si Nicole Litonjua, Zander Bautista, Letlet Rabino at Mr. Olive C Campus Model male winner, Regal baby, Walang Tulugan With The Master Showman co-host at pinakabagong mainstay ng Tween Hearts na si Hiro Magalona, isang mini-fashion show ang naganap, kung saan rumampa ang Creworks talents sa pangunguna ng indie actor na si Dennis Torres at female image model ng Olive C na si Jeanne Finuliar, suot-suot ang magagandang kasuotang gawa ni Ariel Agasang dala ang mga produkto ng Psalmstre.

Dumalo at naki-party ang kanyang mga kaibigan mula sa loob at labas ng industriya, ang mga members ng Rotary Club of Makati Cristo Rey headed by broadcast journalist Jo Salcedo, Dr. Charlie Mendez, Dr. Almond Derla of Phil. Academy Of Anti-Aging Medicine Inc., Manhunt Phils. representative Carlo Galang, Sammy Azur, Olive C Campus models, Mga press people at ang Olive C at Urban Edge celebrity endorser, Gigger Boys member at Shout Out mainstay na si Benjamin de Guzman.

BUKOD SA TWEEN Hearts at Party Pilipinas, masayang ibinalita ng isa sa tinitiliang young actor sa bakuran ng GMA-7 na si Kristoffer Martin na may bago siyang show sa Kapuso Network, ang isa sa pinakabagong handog sa Dramarama sa Hapon, ang Nita Negrita.

Makakasama nito ang iba pang tween stars na sina Barbie Forteza, Joshua Dionisio at Lexi Fernandez. Tsika nga ni Kristoffer, at last ay mapapanood siya muli ng kanyang fans araw-araw katulad nu’ng nasa Endless Love pa siya noon.

Bukod sa Nita Negrita, balita ring makakasama si Kristoffer sa napakalaking primetime soap na Amaya na pagbibidahan naman ng itinuturing na Reyna ng GMA-7 na si Marian Rivera.

MULI NA NAMANG madadagdagan ang numero unong teen show ng GMA-7 na Tween Hearts, dahil papasok na rin dito ang isa pang matinee idol na pamangkin ng yumaong master rapper na si Francis M, si Hiro Magalona.

Any weeks from now, mapapanood na si Hiro sa kinababaliwan ngayong youth-oriented show. Pero wish nito na if ever na bibigyan daw siya ng ka-loveteam, ang magandang young star na si Krystal Reyes ang gusto nitong makapareha. ‘Yun na!

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

6 thoughts on “Manager ng Sexbomb, madalas maispatan sa Dos!

  1. tama,,kala mo naman sinong sikat mga sex bomb,,para lang silang,,,ewan,heheh,,mas interesado ang abscbn kina NADINE SAMONTE,BIANCA KING,CARLA ABELLANA,SUNSHIEN DIZON na hinihintay nilang magdesisyon at lumipat sa dos,,,yun na!!

    we love HIRO MAGALONA,,ang laks ng apil at pang leading man din,,,ok din si KRISTHOPER MARTIN,JAKE VARGAS,,DERIK MONASTERIO,PIERO VERGARA..ENRIQUE GIL,IVAN DORCHER,JAMES REID,.AJ PEREZ,JOSEPH BITANGCOL,,COGIE DOMINGO,CARL GUEVRA,,etc

  2. KAHIT NAMAN MAG OBER DA BAKOD ANG SEX BOMB WALA SILANG DATING,,WALA SILANG BILANG,,,WALA LANG,,,PLAIN,,WAHAHAHAHHH,,KALA MO NAAMN SINONG MGA SIKAT,,E ANG PAPANGIT NAMAN NILA,,,CHEAP HA,,,WALANG INTERES ANG ABSCBN S AKANILA,,

    ok..sus!wish nyo lang..

  3. Baka mag over the bakod ang Sex Bomb dancers sa Channel 2 and ang mga dancer na ito ang maging dancer sa bagong noontime show na pagbibidahan nina John, Randy, Toni and Mariel?

Leave a Reply

Your email address will not be published.