Manager ng Sexbomb dancers na si Joy Cancio, nagtangkang magpakamatay

Joy-CancioPATAPOS NA ang Startalk nang may nagparating sa amin na balitang isinugod daw sa hospital ang manager ng Sex Bomb dancers na si Joy Cancio dahil sa nagtangka raw itong magpakamatay.

Nakakaloka, ha! Paskung-Pasko eh, magpapakamatay ka?

Ang nasagap lang naming kuwento, nag-take daw si Joy ng maraming anti-histamine kaya wala na itong malay nang isinugod sa hospital.

Ilang oras din daw itong nasa hospital at mabuti na lang safe na siya at okay na raw ito.

Ilang beses na tinawagan ng Startalk ang anak ni Joy, pero hindi raw nito sinasagot ang mga tawag ng staff namin.

Pati nga ang dating alaga ni Joy na si Rochelle Pangilinan, hindi na rin nagsalita dahil ayaw na raw ng pamilya ni Joy na lumabas pa ito.

Matagal na kasing nababalitaan naming sobrang depressed daw ito. May kuwento pang madalas pa raw itong nasa casino. Pero itinatanggi naman ito ni Joy. Kaya lang, ano talaga ang nagpa-depress sa kanya bakit gusto na niyang magpakamatay?

Susubukan ng Startalk na makausap si Joy para naman malinawan niya ang isyung ito.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “Manager ng Sexbomb dancers na si Joy Cancio, nagtangkang magpakamatay

  1. laos na kasi sexbomb. sa dami siguro ng lalake niya na binabayaran at di na niya mabayaran para lumigaya siya. wala na pera ang ate! hahaha

  2. wala na kasing pera at raket ang babaeng ito kaya nagbabalak nang tsugiin ang sarili… laos na kasi ang sexbomb kaya wala nang naiintrega sa kanya hahahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.