Manager ng Pawnshop, Kinasuhan ng Qualified Theft

QUALIFIED THEFT ang ikinaso sa Branch Manager ng sanglaan matapos pagdudahan nang maglaho makaraang mapagnakawan umano ng acetylene gang ang hinahawakang sanglaan sa Malabon City kamakailan.

Nakilala ang kinasuhan na si Diosdado Gallogo, 38 ng Salambao St., Wawang Pulo, Valenzuela City.

Lumalabas na noong Agosto 28, alas-10:35 ay nag-text ang suspek sa supervisor na si Helen Lucero na napasok umano at napagnakawan ang Tambunting Pawnshop sa Tatawid, Santulan ng lungsod.

Pinapunta ni Lucero ang kanilang Maintenance Head na si Elpidio Maumit upang mag-imbestiga, kung saan nakita ng huli na dinale ng acetylene ang mga kandado sa roll-up at kaha de yero.

Subalit kapansin-pansin na walang sunog ang mga pinagkakabitan ng kandado at nakahugot ang alarm system.

Lumalabas na nawawala ang P1,738,205 ng sanglaan at naglahong parang bula si Gallogo na naging dahilan upang sampahan ng nasabing kaso.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.