Manager ng Kooperatiba, Hinoldap

LUHAAN ANG isang 47-anyos na ginang matapos tangayin mula sa kanya ang halagang aabot sa dalawangdaan libong piso ng pera at mahahalagang kagamitan sa Sitio Malio, Barangay Basok, Dumingag, Zamboanga Del Sur.

Nabatid na isang manager ng kooperatiba ang biktimang si Luzviminda Geonaga Gelero, 47, manager ng Farmer’s Credit Cooperative na nakabase sa nasabing lalawigan.

Ayon sa report, naglalakad umano si Gelero papunta sa opisina nito nang harangin ng ilang armadong kalalakihan saka nagdeklara ng holdap at kaagad na tinangay ang bag at pera at pagkatapos ay pasimple umanong naglakad lamang ang mga holdaper na animo’y walang anumang nangyari.

Kasalukuyan nang inaalam ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek upang mapanagot ang mga ito sa krimen.

(EUNICE CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.