Manager ng Baywalk Bodies, pikon?!

MATAGAL NA NAMING kakilala ang controversial talent manager ng Baywalk Bodies na si Lito de Guzman at hindi rin naiwasan na dito sa Pinoy Parazzi pumutok ang nagwawalang pictures ng wild party ng kanyang mga alaga.

Masama ang loob sa amin ni Lito dahil nabastos at nabugbog daw ng boyfriend ang dalawa sa mga Baywalk Bodies members. Pero gusto naming iparating sa kanya na matagal nang bumibili ng controversial photos ang Pinoy Parazzi at ang wild pictures ng kanyang mga alaga ay isa lamang sa mga nabili ng aming publication.

Naghahamon ng demanda si Lito against our tabloid at kapag itinuloy niya ‘yon, siguradong marami pang bastos na mga litrato ang maglalabasan. Kung talagang itutuloy ito ni Lito, e, wala kaming masasabi kundi isa siyang pikon. Parang hindi na siya nasanay sa pagiging wild ng kanyang mga alaga.

Pero teka, ano pa nga ba ang dahilan ng pagngawa ng side ni Lito at ng kanyang mga alaga? Hindi ba’t matindi naman talaga sa hubaran ang mga girls na ito kahit na noon pa? Hindi ba’t pinagpi-piyestahan pa nga sa bentahan ng DVD sa Quiapo ang mga malalaswa nilang mga larawan at videos?

Lumabas sa front page ng Pinoy Parazzi ang hubo’t hubad na litrato ni Kissa Kurdi. Ikinahiya raw siya ng kanyang mga close relatives. Hello!!! Eh, the fact na kasali nga siya sa Baywalk Bodies, e… hindi ba’t kasama na ru’n ang imahe ng pagiging wild?

Nabubog naman daw ng boyfriend si Michaela Monteverde dahil sa mga litratong naglabasan.

E, kasi naman, bakit gumawa sila ng party na may kahalayan, e, itinatago naman pala nila ito sa kanilang mga boyfriends?

Again, sa patuloy na pagsasalita ni Lito na naghahamon pa ng demanda, e, lumalabas lang na isa siyang pikon at kung hindi siya titigil, e, siguradong may mas malala pang sasabog… pwamiz!

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

2 thoughts on “Manager ng Baywalk Bodies, pikon?!

    • and addition 2 dat…hndi kya cla rin ang nagpa2dala ng piture
      pra pag-usapan..ibalita pa bang binugbog daw ng mga bf…wow
      kalurka ha…

Leave a Reply

Your email address will not be published.