Manager ng Bar, inoga sa Harap ng Kalaguyo

PATAY ANG isang manager ng bar and restaurant sa Bacolod City matapos barilin kamakailan.

Kinilala ang nasabing biktima na si Melecio Endrinal, 38, may asawa, at residente ng Purok Villa, Brgy. Singcang Airport, Bacolod City.

Base sa pagsisiyasat  ng mga kinauukulan, binaril ang biktima habang kumakain sa isang kansi house sa area ng Golden Field Commercial Complex kasama ang kanyang tauhan at sinasabing kalaguyo nito.

Dalawang lalaki umano ang dumating sa lugar at biglang binaril ang biktima na tinamaan sa ulo at dibdib.

Naisugod pa ito sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Samantala, ayon sa mga nakakita, umalis sa lugar ang mga salarin na lumakad lang na parang walang nangyari.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.