Sugod Shooting: Mamumukadkad na si Rosalinda!

Usap-usapan na ngayon ang remake ng Mexicanovelang Rosalinda. Noong una, inakalang ang unang Pinoy Thalia na si Marian Rivera ang muling gaganap sa isa na na namang Thalia role. Pero mukhang may bagong Pinoy Thalia in the making sa katauhan ng baguhang si Carla Abellana.

Matagal na ngang ipinakilala sa publiko si Carla bilang Pinay Rosalinda at kamakailan, pormal na ring inanunsiyo ang magiging katambal niya, ang nagbabalik-Kapuso na si Geoff Eigenmann bilang si Fernando Jose. Infernezz naman, may hawig talaga kina Rosalinda at Fernando Jose itong sina Carla at Geoff, huh! Watchateenk, prends?

Pero bago pa tayo mag-cheveran dito, nagkaroon ng mahiwagang pagkakataon ang team Kaparazzi para makadalaw sa taping ng Rosalinda sa Taal, Batangas nito lamang nakaraang Hunyo 17. Busy-busy-han ang mga artista ni Direk Maryo J. Delos Reyes bago sila isalang sa harap ng kamera. Napadpad ang powers namin sa dalawang taping locations nang araw na iyon – sa reception hall ng Heritage Villa at sa Our Lady of Caysasay. Mahahalagang eksena ang kinunan sa dalawang lugar at ‘yan ang dapat abangan ng mga manonood. Sa ngayon, enjoy muna tayo sa behind-the-scene pictures ng teleseryeng malapit nang umariba sa ere. Meh ganuuun?!

Sugod Shooting
by Jean Oli, Photos by Luz Candaba

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.