Mamimitas sana ng pakwan Nnene, naputukan ng kalaro

PATAY ANG isang batang babae habang sugatan ang isa pa makaraang aksidenteng mabaril ng kalaro nitong 12-anyos na batang lalaki sa Purok 6, Barangay E. Morgado, Santiago Agusan del Norte.

Itinago sa pangalang Rea ang nasawi habang sugatan ang 13-anyos na kalaro nito na itinago rin sa pangalang “Angel” na parehong nakatira sa nasabing lugar.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nagtungo ang dalawang magkaibigan sa bahay ng mga magulang ng lalaking nakabaril na si ‘Ian’ upang manghingi ng pakwan ngunit umuwi na lamang ang mga biktima dahil wala ang lolo nito.

Nagulat sina Rea at Angel na pagdating nila sa isang kubo ay pinaglalaruan ng binatilyo ang shotgun ng kanyang lolo at saka itinutok sa kanila.

Bigla umanong pumutok ang hawak na baril at tinamaan sa likurang bahagi ng katawan si Rea na naging dahilan ng kanyang pagkamatay habang nagtamo ng mga tama ng shrapnel si Angel na katabi noon ng biktima.

Ayon sa pulisya, sinasabing ang shotgun na ginamit ni “Ian” ay walang mga ligal na dokumento.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.