Mambobosong Bading, Kalaboso

HULI SA akto ang ba-ding na nursing student, makaraang mamboso sa kanyang boardmate sa Brgy. Tapuac, Dagupan City.

Sa report na tinanggap ng Dagupan Police Station, kinilala ang biktima sa pangalang Ariel.

Base sa reklamo ng biktima, naliligo ito sa palikuran ng kanilang boarding house nang maramdaman nito na tila may naninilip sa kanya habang naliligo.

Laking gulat nito nang biglang buksan ang pinto ng kanilang CR ay tumambad sa kanya ang nakadapang suspek habang nakasilip sa isang maliit na butas.

Dahil dito’y labis naman ang hiya ng bading na suspek na itinago sa pangalang Michaela na tubong Sual, Pangasinan nang maaktuhang sinisilipan ang kasamahan sa boarding house.

Nabatid sa kasamahan ng suspek sa boarding house na hindi lamang ito ang unang beses na nahuli ang suspek na namboboso.

(TONY DELA PEÑA)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.