Mambabatas, tuma-tanggap ng lagay mula sa ukay-ukay

 

ISANG MAMBABATAS na dating walang habas na bumabatikos sa nangyaya-ring smuggling sa customs ang napabalitang tumatanggap ng lagay sa mga nagpapasok ng mga ukay-ukay. Ito umano ang dahilan kung bakit kapuna-puna, na ang dating walang tigil na pagsisiwalat sa katiwalian ng Adwana ay biglang nanahimik.

Ayon sa aming mapagkakatiwalaang source, ang nasabing mambabatas na dala ang malinis at minahal na pangalan sa pulitika, ay tumatanggap ng halagang 350 libong piso kada linggo mula sa pamilya na siyang may hawak ng parating na ukay-ukay. Tulad ng ilang lehitimong negosyo, ang ukay-ukay diumano ay monopolyado ng isang pamilya lamang.

Dagdag pa ng aming impormante, isang alyas ‘Tagor’ ang taga-abot ng lingguhang 350 libo para sa nasabing mambabatas. Marami ang dismayado sa nasabing mambabatas dahil ibang iba raw sa kanyang pinaglalaban dati ang kanyang pananahimik ngayon.

Ayon sa mga insider ng nasabing ahensiya, lalabas at lalabas daw pagdating ng darating na halalan ang katotohanan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.