Tago: Mambabatas, kailangan ng wardrobe sponsor?

WAZZUP! WAZZUP! WARDROBE providers of Pilipinas?! Kung kailangan n’yo ng modelong magsusuot ng wardrobe n’yo, puwedeng-puwedeng maging bida ang bida nating legislator.

Sa latest chika ng ating Parazzi Chikadora, isa raw kongresista ang madalas pagdiskitahan ngayon ng mga tambay riyan sa apat na sulok ng Kamara. Sa kanilang matamang pagmamasid at pakikialam sa buhay ng iba, napuna ng mga miron na tila may kakaiba raw yata sa mga isinusuot ng ating bida.

Ang siste, sa halip kasi na magmukha siyang presentable kahit hindi na honorable, para siyang posteng dinamitan ng amerikanang kasukat ng isang dambuhalang lalaki. As in, kapansin-pansing maluwag naman daw yatang masyado ang suot niyang amerikana na para bang hiniram lang niya ito sa isang taong malapit sa kanya na madalas ding magsuot ng amerikana.

Pinipilit daw ng mga miron na isiping kanya talaga ang damit na suot niya. May teorya nga ang mga ito na baka raw pumayat lang ang mambabatas simula nu’ng binili niya ang damit. O kaya naman, sobrang nagtipid siya kaya naman nabanat at lumuwag ang tela dahil low quality pala.

Pero hindi kumbinsido ang mga miron. Kasi, alam nilang may posibilidad na hiniram lang niya ang kanyang wardrobe sa isang malapit na kaanak. Para makasiguro, tinandaan ng mga intrimitido ang suot ng ating bida. Nang mapabisita ang super-close na kamag-anak niya sa Kamara, doon nila nakumpirmang totoo ang kanilang mga hinala. Ang suot kasi ng malapit na kamag-anak ng ating bida, eh, ang maluwag na amerikanang nauna nang isinuot ng ating bida. Tsk! Sayang naman ang pork barrel mo Kong kung titipirin mo ang sarili mo sa costume. Lagot ka sa tatay mo n’yan!

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.