Mamahaling Relos ni Hunk Actor, Regalo ni Veteran Actor!

BLIND ITEM: ISA sa mga mamahaling relos ang Breitling Watch kaya napa-wow kami nang sinabi sa amin ng isang friend na binigyan ni veteran actor si hunk actor ng ganu’ng relo recently.

Walang okasyon. Walang event. Ang sabi, token lang daw ‘yon dahil may maganda silang pinagsamahan noon. Ganu’n?

Sabi tuloy namin, ang sarap palang pakisamahan ng maganda ang veteran actor kasi, nagbibigay ng mamahaling relo kapag natuwa.

Pero teka. Natatandaan namin. May pinagsamahan nga ang dalawa nu’ng nasa ibang bansa sila.Malalim nga talaga dahil nagsama sila sa isang bubong nang matagal. Pero kung itatanong n’yo sa amin kung may malisya ang kanilang pinagsamahan… secret!!!

Clue? Silipin n’yo na lang kung sino sa mga Kapamilya hunk ang may bagong Breitling watch.

NAKAKA-DISAPPOINT AT NAKAKAPANGHINAYANG ang indie film na Fling. Why?

Ito kasi ang nagsilbing launching movie ng magandang sexy star na si Jacq Yu pero feeling namin, tinipid ang production value. Pati ang texture ng pelikula, masakit sa mata. Mukhang hindi sila gumamit ng magaling na cinematographer.

Por eksampol, may bonggang fashion show sa pelikula si Lara Morena na super-sosyal ang role pero nakagugulat na ang bonggang fashion show e, ginawa sa isang maliit na bar na sa tingin namin e, may nagtatrabahong mga GRO.

Si Lara ang producer pero nagmukha siyang extra sa movie. Hindi rin niya napaghandaan ang kanyang role bilang isang seksi na girlfriend ni Rafael Rosel dahil sa screen, parang hindi naman siya masyadong sexy.

Nakapanghihinayang din dahil ang magandang script ni Charlotte Diongco, ginawa ng isang production na tinipid masyado ang budget.

Nakakaloka rin ang camera movements dahil sa sobrang galaw e, nakakahilo kaya ayun, hindi  kami nagtagal dahil kung tinapos namin ang movie sa premiere night, sigurado, sa clinic ng SM kami pupulutin dahil sa hilo.

PANANAKIT. PAMBUBUGBOG DAHIL sa selos.

‘Yan daw ang ilan sa mga reklamo ng dating taga-That’s Entertainment na si Regina Grace laban sa kanyang naka-live-in at isa sa mga members ng Masculados Dos na si Enrico.

Pero according kay Enrico, minahal niya nang todo ang dating taga-That’s Entertainment at kung nasaktan man daw niya ito e, sigurado siyang hindi ito pisikal.

Aminado si Enrico ng Masculados Dos na seloso siya kaya napagsabihan niya noon ng masasakit si Regine Grace.

May isang executive daw kasi ng Universal Records ang pumorma noon kay Regine Grace at nakikipag-date din daw ito sa ibang guys kaya natural lang daw na nagseselos siya pero never daw niya itong binugbog.

Pero ngayon, gaya ng carrier single ng Masculados Dos na Goodboy e, goodboy na rin daw si Enrico at hangga’t maaari e, iniiwasan na raw niyang magsalita ng masasakit sa kanyang bagong girlfriend.

May show sa June 8 and 15 sa Zirkoh Greenhills at June 2 naman sa The Library Malate ang Masculados Dos kaya puwede n’yo ring silipin ang all-male na grupo kung totoong goodboys na sila at hindi na sakit ng ulo ng kanilang manager and discoverer na si Direk Mario J. de los Reyes. He-he-he.

For reactions, please e-mail mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

6 thoughts on “Mamahaling Relos ni Hunk Actor, Regalo ni Veteran Actor!

  1. Sino pa edi si Eric Quizon, matagal na kayang usap-usapan sa loob ng kapamilya network ang lihim na relasyon nila ni Papa P.

  2. pakilinis ng site nyo. huwag kasing maglagaylagay ng kung anung-ano ads. mamili kayo ng mabuti ng ads na ififeature niyo…

Leave a Reply

Your email address will not be published.