Malolos Mayor, Nagbigay ng Ultimatum sa May-ari ng Inabandonang Barko

TATLUMPONG ARAW ang ibinigay na ultimatum ng pamahalaang lungsod para sa may-ari ng barkong M/V Yuan Heng na napadpad sa baybayin ng Brgy. Pamarawan, Malolos City.

Sinabi ni Mayor Christian Natividad, binibigyan na lamang nila ng isang buwan ang may-ari ng nasabing barko na makipag-ugnayan sa kanila at kung hindi ay kanila na itong ibebenta.

Aniya, magpapalabas sila ng anunsyo sa mga pahayagan at kung walang kukuha ng barko ay idedeklara nila ito na nuisance at ipa-auction na nila ito.

Hindi na raw kasi nila papayagang magtagal pa sa coastal barangay ang barko dahil sa delikado ito sakaling muling may dumating na bagyo.

Nabatid na maliwanag na may paglabag sa Civil Code ang may-ari ng barko o ang tinatawag na reckless imprudence resulting to damage to property.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na rin ang mga awtoridad sa pantalan ng Mariveles, Bataan na pinagmulan ng abandonadong barko.

Bunsod nito’y nag-alok na umano ang Philippine Coast Guard na kanilang hahatakin ang nasabing barko ngunit hindi raw ito ipahihila ng lokal na pamahalaan ng Malolos hangga’t hindi lumilitaw kung sino ang may-ari ng naturang barko.

 (TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.