Mall sa Divisoria, Nasunog; 2 Nailigtas

NILAPATAN NA ng lunas ang dalawang lalaking na-trap mula sa nasunog na mall sa Divisoria kahapon ng madaling-araw.

Lumalabas sa inisyal na report ni Sr. Fire Officer 3 John Joseph Alige, nagsimula ang sunog sa basement ng Divisoria Mall kung saan nakaimbak ang mga laruang gawa sa plastik.

Mabilis namang naa-pula ang sunog sa nasabing lugar.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga kinauukulan kung magkano ang iniwang pinsala sa pagkakasunog ng nabanggit na shopping mall.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.