Malisyosong Text sa MNLF-OPAPP, Mag-ingat

NAGBABALA SI Office of the Presidential Adviser on the Peace Process Undersecretary Jose Lorena laban sa mga kumakalat na malisyosong text messages kaugnay sa maling impormasyon para magkagulo sa Mindanao.

Una nang kumalat ang text messages na nagsasabing nakatakda umanong magtipon ang Moro National Liberation Front (MNLF) at magdeklara ng kalayaan para iprotesta lumalabas na balitang sarado na ang national government sa 1996 Final Peace Agreement.

Ayon kay Lorena, dapat maging mapanuri ang publiko sa mga maling impormasyon at maging kalmado dahil maingat ang paghawak ng pamahalaan sa peace and security situation sa Mindanao.

Sinabi ni Lorena na mas mabuting isangguni sa mga mapagkakatiwalaang sources ang mga ganitong impormasyon at unawain ang konteksto bago bumuo ng anumang konklusyon.

Una na ring pinayuhan ni Zamboanga City Mayor Beng Climaco ang mga kababayan na mag-ingat sa magpapadala ng mga mensaheng galing sa hindi tiyak na sources at layunin lamang na magpakalat ng pagkaalarma at takot sa publiko.

“We urge the public to be critical against false information. We also call for sobriety as our government, both national and local, are carefully handling the peace and security in Mindanao. It is best to seek out information from reliable sources and understand the context before making conclusions. We rely on the public to guard the process,” ani Lorena.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.