Malisyosong PNP Statement Sa FB, Iimbestigahan

 

PANGUNGUNAHAN NG Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang pagsisiyasat sa isang malis-yosong pahayag na pinost sa Facebook na umano’y opisyal na pahayag ng Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni PNP spokesman C/Supt. Generoso Cerbo na nakipag-ugnayan na sila sa CIDG upang imbestigahan ang naturang kaso at kung magi-ging saklaw ito ng Cybercrime Law.

Nabatid na ang CIDG ay may mga kumpletong facilitities at gadgets para tukuyin ang mga responsable sa pag-post sa nasabing pahayag sa nabanggit na networking site.

Kasalukuyan na ring inaalam kung sino ang may-ari ng nasabing FB account.

Ayon kay CIDG chief police director General Samuel Pagdilao, may kakayahan ang kanilang tanggapan sa pag-retrieve sa isinarang FB account kung saan naka-post ang nasabing “official statement” ng PNP.

Samantala, mariing pina-bulaanan naman ng pamunuan ng PNP na sa kanila galing ang naturang kalatas.

Wala silang pinahintulutan na sinuman at units ng PNP na magpalabas ng pahayag para sa PNP, giit ng opisyal.

Aabangan nila ang magi-ging resulta ng pagsisiyasat ng CIDG, dagdag pa ni Cerbo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.