Malinis daw ang intensyon kay Kylie Padilla
Aljur Abrenica, hinarap na si Robin Padilla!

BILIB NAMAN ako kay Aljur Abrenica at talagang hinarap niya uli si Robin Padilla para itapat na malinis daw ang hangarin niya kay Kylie Padilla.

Natuloy na rin kasing mag-shooting si Aljur sa pelikula ni Robin na Kuratong Baleleng, kung saan bida ang huling generation ng Padilla na sina Kylie at Daniel Padilla.

Ni-request ni Robin na mag-guest si Aljur na makaka-partner niya roon si Kylie.

Medyo nahirapan sila sa schedule ni Aljur, pero naayos na rin at natuloy na nga ang shooting nila. Alam kong meron pang ilang araw si Aljur na natira, pero si Kylie ay tapos na raw.

Siguro roon sa shooting nagkausap uli sina Aljur at Robin at doon niya ipinagtapat na mahal na mahal niya si Kylie at hindi niya ito lolokohin.

Alam kong mahilig sa girls si Aljur pero mukhang seryoso naman talaga ito kay Kylie. Ang dami nga namang pinagdaanan ang relasyon nila pero sila pa rin.

I’m sure touched diyan si Kylie, pero ayaw lang niyang ipahalata.

Nang nakausap ito ng Startalk sa story conference ng bagong drama series niya sa GMA 7 na Pahiram ng Sandali, sinabi naman niyang nagpakalalaki si Aljur na harapin ang papa niya.

Mas gusto nga raw niyang hindi na i-showbiz ang relasyon nila at mas tahimik, mas type nila iyun.

At least okay na, wala nang problema. Bongga na ‘yun!

 

NAKU HINDI lang makatanggi si Paolo Contis sa akin, kaya pumayag na itong lumabas sa Startalk para harapin ang isyu nila ni Lian Paz.

Napag-usapan na naman kasi ito, at nagsalita si Lian sa Hot TV kaya ang dami na namang naglabasang isyu.

Ayaw na sana talagang magsalita ni Paolo dahil nanay naman daw ito ng dalawa niyang anak kaya gusto niyang tahimik na lang at hayaan na lang na makalimutan.

Gusto ko namang linawin na niya ito lalo na ang mga isyung baon siya sa utang. Hindi naman ito ikinakaila ng alaga ko, at binabantayan ko na nga ito.

Ang daming pagkakamali na nagawa ni Paolo at willing naman siyang harapin ito.

Sabi naman ni Paolo, dapat nandiyan ang asawa niyang nakaalalay sa kanya sa gitna nang pinagdaanan niya ngayon, pero wala naman siya.

Kaya lang si Paolo naman ang nakipaghiwalay kaya paano nga naman siya tutulungan ni Lian.

Pero nu’ng sila pa, lalo raw nadidiin si Paolo kaya kumalas na ito. Ang alam ko, lalo pa siyang nina-nag ni Lian kaya napuno na rin itong isa dahil alam naman niyang problemado na nga ito.

Sabi nga ni Paolo, nu’ng paldu-paldo siya, na-enjoy naman daw ito ni Lian, pero ngayong wala siya, nasaan na raw ito?

Pero problema nila itong mag-asawa kaya dapat silang dalawa na lang ang mag-usap para ayusin na ito. Kaya lang, pa-interview naman nang pa-interview si Lian. Kaya siguro dapat na sagutin na rin ito ni Paolo at pagkatapos nito ay manahimik na siya at harapin na itong problema niya.

Abangan n’yo na lang sa Startalk bukas.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.