Maling Estado ng Edukasyon!

0919591xxxx – Idol Raffy, nais ko pong isumbong sa inyo ang pananakot na ginagawa sa aking anak kapag hindi nakakabayad ng apat na raang piso para sa miscellaneous fee. Marami pong mga estudyante ang hindi nakakakuha ng exam dahil sa panggigipit na ginagawa ng eskuwelahang ito. Hindi po ba bawal ang kanilang ginagawa sa mga estudyante? Ang eskuwelahang tinutukoy ko po ay ang Maliwalo Annex High School sa lugar ng Tarlac City. Sana po ay maipahatid ninyo sa DepEd ang maling pagtrato sa mga estudyante ng eskuwelahang ito.

 

0948472xxxx – Boss Raffy, gusto ko pong humingi ng tulong sa inyong programa. Isa po akong bus driver at kinumpiska po ng MMDA ang aking lisensiya. At nang tutubusin ko na po ang aking lisensya, napakaraming tiket ng MMDA na nagkakahalaga ng P21,000.00 ang lahat ng aking penalty. Ang totoo po, isang beses lamang ako nahuli pero sa record ng kanilang tanggapan ay napakarami. Sana po ay matulungan ninyo ako dahil ito lang po ang inaasahan ng aking pamilya. Hindi po ako makabiyahe dahil sa ginagawa nilang panggigipit sa akin.

 

0921762xxxx – Sir Raffy, nais ko pong ipaalam sa inyo ang isang traffic enforcer dito sa lugar ng Pasig. Mayabang po itong enforcer na ito. At tama po ba na mayroon siyang dalang baril habang ginagampanan ang kanyang trabaho? Isa po kayong inspirasyon para sa aming mga mahihirap.

 

0921696xxxx – Tol Raffy, sana po ay mabigyan ninyo ng pansin ang aking isusumbong sa inyo. Dito po sa aming probinsiya sa lugar ng Caraga, mayroong checkpoint na nagaganap dito sa aming lugar. At karamihan sa kanila ay mga SPO1 na akala mo ay mga kung sino kung umasta. At ang nakakainit pa po ng ulo ay ginagawang front ang check point pero ang totoo ay pangongotong ang kanilang pakay. Sana po ay maputol agad ang mga sungay ng mga walang silbing pulis na ito. Umaasa po kami na mabibigyan ninyo ng kalutasan ang aming problema. Mabuhay po kayo.

 

0932159xxxx – Boss Idol, ipapaalam ko lang po ang ginagawang katiwalian ng mga pulis-Caloocan, dito po sa lugar ng C-3 nagaganap ang pangongotong ng mga ito. Ang mga kawawang motorista ay napipilitang magbigay para hindi na maabala. Ang karamihan po ay mga truck na galing Navotas ang binibiktima ng mga pulis na ito. Ang kanilang istilo ay tatapatan nila ang truck at ang truck naman ay maghahagis ng pera para makadaan at hindi na maabala pa. More power po sa inyong show.

 

0919377xxxx – Sir Tulfo, nais ko pong ipabatid sa inyo ang ginagawang pangongotong ng mga blue boys dito sa lugar ng Ortigas Avenue. Ang mga tiwaling enforcer na ito ay walang awa sa pangongotong sa mga motorista. Kung hindi po ba makakakapal ang mukha ng mga taong ito pati mga pobreng tricycle ay binibiktima rin. Sana po ay maisumbong po ninyo sa kanilang pinuno ang maling ginagawa ng mga tauhan nila. Maraming maraming salamat po.

 

ANG INYONG mga sumbong ay masosolusyunan at mapapakinggan sa programang WANTED SA RADYO 2-4 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes sa 92.3 NewsFM. At mapapanood sa Aksyon TV Channel 41.

Para sa inyong mga sumbong at reklamo mag-text sa 0917-7-WANTED o 0908-87-TULFO. Maaari ring magsadya sa aming Aksyon Center na matatagpuan sa 163-E Mother Ignacia Avenue, Brgy. South Triangle, Quezon City. 

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.