Malik, Misuari, 2 pa, ‘di makalalabas ng bansa

PORMAL NANG itinala ng Bureau of Immigration (BI) sa look out bulletin ng kawanihan si Nur Misuari at tatlong iba pang leader ng Moro National Liberation Front (MNLF), na pawang kinasuhan ng Department of Justice (DoJ) ng rebelyon hinggil sa pagsalakay sa Zamboanga City noong Setyembre 9.

Bukod kay Misuari, pinagbabawalan ding lu-

mabas ng bansa sina Ustadz Habier Malik, Bas Arki at Assamin Hussin.

Pinabulaanan naman ni Maria Angelica Pedro, tagapagsalita ng BI, ang balitang nakaalis na sa Pilipinas ang apat na opisyal ng MNLF.

Samantala, iginiit ni Pedro na hindi makalalabas ng bansa ang apat dahil akusado ang mga ito sa paglabag sa ilang International Humanitarian Law, kasama ang 63 pang nadakip na kasapi ng MNLF, kaugnay ng paglusob ng mga ito sa Zamboanga City, na nagbunsod sa tatlong linggong sagupaan, pagkamatay ng mahigit 100 katao, at paglikas ng daan-daang libong pamilya.

Matatandaan na Oktubre 17 nang pinagbigyan ng Supreme Court (SC) ang kahilingan ng DoJ na mula sa Zamboanga City ay ilipat sa Taguig City Regional Trial Court ang paglilitis sa grupo ni Misuari.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.