Maliban kay Napoles; NGOs ng mga mambabatas, busisiin din

SUPORTADO NG Palasyo sakaling magkaroon ng pagsisiyasat sa iba pang non-government organizations (NGOs) at foundations maliban kay Janet Lim-Napoles.

Maaalala na maliban sa mga NGOs ni Napoles, may mga mambabatas ding may sariling mga foundations kung saan daw dina-divert ang kanilang mga PDAF.

Inihayag ni Communications Sec. Sonny Coloma na dapat lamang magkaroon ng pagsisiyasat ang lahat ng uri ng katiwalian at makalkal kung saan pa nailagay o nagamit ang mga pork barrel.

Sinabi ni Coloma na walang sisinuhin sa sinumang tatamaan ng ebidensya.

Tiniyak din ng Palasyo na hindi huhupa bagkus magpapatuloy ang kanilang interes sa paghabol sa mga nagkamal sa pork barrel fund kahit pa nadidiin na ang mga pangunahing akusado tulad nina Sen. Juan Ponce-Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla Jr.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.