Blind Item: Male TV host at female singer, malutong ang murahan ‘pag nag-aaway!

NU’NG MINSANG DUMALO kami sa selebrasyon ng kaarawan ng isa naming balikbayang kaibigan, nagulantang kami sa mga kuwentong nasagap namin mula mismo sa mga taga-subdivision na pinuntahan namin.

Ang mga bida sa kuwento ay isang popular na male TV host, saka isang kilala ring singer. Lingid sa kaalaman ng marami,y nagkaroon pala sila ng relasyon.

Okey na ‘yun, hindi naman imposibleng maging magkarelasyon sila, libre ang lalaki at dalaga naman ang singer. Pero ang nakagugulat, ang mga eksena kapag nag-aaway sila.

Sabi ng isang tagaroon, “Dito mismo sa clubhouse na ito, nakita sila ng marami rito habang murahan sila nang murahan. Napakatunog magmura ni ____(pangalan ng kilalang female singer), matunog ding magmura ‘yung lalaki, kaya umaalingawngaw sa paligid nito ang pagmumurahan nila noon.

“Ang nakatatawa, nakita ni ____(ang popular na TV host) na marami palang nanonood habang nag-aaway sila. Natural, mga kilalang celebrities sila, kaya big deal talaga ‘yung away nila para sa mga tagarito.

“Ang ginawa ni male TV host, hinarap niya ang mga usisero, sinigawan niya. ‘Ano, ano’ng tinitingin-tingin n’yo d’yan? Mga tsismosa kayo!’ Natural, nagtaguan ang mga miron!

“Tuloy pa rin ang away nila, murahan pa rin sila nang murahan! Pinababalik kasi nu’ng TV host ang girlfriend niya sa bahay niya, pero ayaw naman nu’ng isa!

“Ang ending, wala ring naging choice ‘yung girl kundi ang bumalik sa bahay ng boyfriend niya, ipina-alarm kasi siya nu’ng lalaki sa guard house na huwag siyang pabayaang makalabas.

“Ganu’n silang mag-away, parang sila lang ang natitirang tao sa mundo, parang wala nang bukas pa kung magmurahan sila,” kuwento pa rin ng mga taga-subdivision.

Matagal ding naging magkarelasyon ang male TV host at ang female singer, maraming eksena pa ng kanilang away ang nasaksihan ng mga taga-subdivision, nalaman na lang ng mga ito na tapos na ang relasyon ng dalawa dahil ibang babae na ang kasa-kasama ng TV host kapag umuuwi siya.

Kaya kapag napapanood nila sa TV ang lalaki, tawanan sila nang tawanan, “Lalo na kapag medyo madamdamin na ang eksena sa TV show niya, naaalala namin ang pagmumurahan at paghahabulan nila dito ng girlfriend niya,” sabi uli ng aming source.

Ha! Ha! Ha! Ha!

by Cristy Fermin

loading...

4 thoughts on “Blind Item: Male TV host at female singer, malutong ang murahan ‘pag nag-aaway!

  1. jusme!! willie revillame & janelle!!
    GMA kapuso ka pang nalalaman hahaha
    cristy fermin,bat tinitira mu ngayun si willie,
    di ba anak anakan mo kamo yan hahaha
    baliw kayung dalawa magsama kayong plastic!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.