Male talk show host, ‘nagkalat’ sa isang resto kasama ang 2 guwapong bagets!

ISANG LATEST AS in bago ang aming itsitsikang blind item sa inyo today. Yes, sariwa at hindi bilasa dahil nga ilang araw lang ang nakakalipas. Tungkol ito sa isang male talk show host, na minsan isang madaling-araw, bandang 3 a.m. ay may nakakita sa kanya sa isang resto na kumakain kasama ang dalawang lalaking bagets.

Ayon nga sa aming source ay maingay ang male TV host na dumating sa resto bitbit ang dalawang guwapong mukhang mga modelo. Ang ingay na dala ng tatlo ay dahil pala sa espiritu ng alak. Yes! Lasing na lasing daw ang grupo kung kaya  naman hindi alintana ang ingay.
At ang ibang customers na nandoon ay galit na dahil sa sobrang ingay. Sigawan, harutan, asaran at kung anu-ano pa. Malakas na kuwentuhan na siguradong apektado ang mga katabing table.

“Kung hindi ako napigilan ng mga kasama ko, aawayin ko sila,” say ng aming source.

“Pinag-uusapan lang naman nila ang mga kalandian nila sa event na pinuntahan nila,” sey pa niya.

Ang tanong, bakit mga guwapong bagets ang karay-karay ng male talk show host?

At ‘yung  pangyayayaring ‘yon ang makapagsasabi kung ano ba ang kulay ng ating bida. Kung sa bagay, matagal nang kinukuwestiyon ang gender niya… ‘Yun na!

Basta ka-initial ng name niya at apelyido ang pangalan ng isang grupo ng banda noong mga dekada 70’s or 80’s.

‘Yun na! More clues pa ba?

(By Fernan de Guzman)

Previous articleLulong daw sa droga: may edad nang male singer, dapat nang ipa-rehab?!
Next articlePamilya, tinapat na raw ng mga doktor Dolphy, may taning na ang buhay?!

No posts to display