Male Singer na Produkto ng Singing Contest, Ibinuking na Nagse-Sex Sila ng mga Kapwa Male Contenders!

INAMIN NI ANGELU de Leon na hindi gano’n kadali ang kanyang naging desisyon sa pagpapakasal. Pinag-isipan at pinag-aralan daw muna niya ang lahat kasama na raw rito ang prayers na maging matagumpay muli ang buhay may-asawa niya. Hindi itinago ni Angelu na may anak din sa ibang babae ang bagong asawa nito, isang 7 years old na lalaki at “Tita Angelu” daw ang tawag sa kanya, hinahayaan daw niya ang batang maging panatag at masanay na kasama siya at hindi naman daw niya ini-impose na tawagin siyang “Mama” nito. Pero umaasa siya na darating din daw ang time na itatawag din ito sa kanya ng bata.

Hindi pa rin daw titigil sa pag-aartista si Angelu dahil na rin sa financial na pangagailangan ng mga anak niya na walang nakukuhang support sa mga dating nakarelasyon nito.

Pupunta ng Europe si Angelu at ang asawa nito para mag-honeymoon, pagkatapos ng mga commitment nito sa bago niyang serye sa Kapuso Network na Koreana, kung saan gaganap siyang ina ni Kris Bernal.

COOL-OFF MUNA sa pagsagot si Sen. Ramon “Bong” Revilla patungkol sa movie nila ni Vic Sotto, ang Agimat ni Enteng. Noong Sabado sa selebrasyon ng kanyang birthday, nakiusap si Sen. Bong na huwag na munang pag-usapan ang tambalan nila ni Vic sotto, bagkus pagtuunan na lang daw ng pansin muna ang Agimat. Ipinakilala rin ni Sen. Bong ang kanyang leading lady na si Sam Pinto na kabadung-kabado at excited naman daw sa mga eksena nila sa pelikula.

Si Congresswoman Lani Mercado naman, todo ang suporta sa kanyang husband, at kahit busy sa Bacoor, Cavite at sa Kongreso, pamilya pa rin naman daw ang priority nito.

BLIND ITEM: ISANG male singer na produkto ng isang song contest ng isang network ang nagkuwento ng mga karanasan nito bago siya naging winner at nakilala ng mga tao.

Talamak, as in grabe, raw ang sex experience na naranasanan niya sa hotel na pinaglalagakan sa kanila during contest week, kung saan siya ang champion. Mga kapwa contender daw na lalaki ang mga nakakatalik niya gabi-gabi. At parang normal daw itong nangyayari, dahil nakikita rin daw niya sa mga ibang contender na lalaki na nagtatalik din.

Sobrang dami raw kasi ng mga bisexual na singer ang sumasali sa defunct contest na ito ng network, kaya sila-sila raw ang nagkakatuwaang magtalik kapag naiinip sa hotel.

Sumikat na ang mga singer na ito at nakagawa na ng mga album sa nasabing network.

TwitMozzo
by Gary de Leon

loading...

27 thoughts on “Male Singer na Produkto ng Singing Contest, Ibinuking na Nagse-Sex Sila ng mga Kapwa Male Contenders!

  1. fabricated blind item. Konting logic lang mga iho’t iha. Kung sikat kayo ngayon magagawa nyo bang ikwento sa buong mundo ang mga sexcapades nyo with the same gender knowing na makakasira sa career nyo to? Another pa-safe blind item kasi marami ng singing contest ang sumulpot sa telebisyon. Kapag inakusahan nila ang writer, madali lang sabihing wala naman silang pangalang binanggit. Pero i-dare nyong pangalanan nila, hinding hindi nila magagawa yun kasi purely fabricated ang blind item na to.

Leave a Reply

Your email address will not be published.