MALE SINGER, HULING-HULING NAKIKIPAGLAPLAPAN SA KAPWA LALAKI!

BLIND ITEM: NAPA-HA?! daw kami sa ibinulong sa amin ng isang bubuwit. Isang male singer daw ang na-Julie Yap Daza na nakikipaglaplapan sa kapwa niya lalaki. Isang PA o production assistant ang ‘di sinasadyang nakakita sa itinatagong lihim nitong si male singer.

Ang siste, may isang show sa isang malayong probinsiya, kung saan na-invite mag-perform si male singer kasama ang iba pang accoustic groups. Hindi pa nakasalang ang session ni male singer sa nasabing show kaya raw nasa dressing room muna ito sa backstage. Eh, biglang enter the dragon ang isang PA… ‘yun na! Caught in the act si male singer at ang isa pang male sa kanilang torrid kissing!

Ano pa, eh ‘di napa-excuse na lang ang PA, at dedmang tumigil lang ang dalawang lalaking naglalaplapan na patay-malisya sa biglang pagpasok ng mahaderang eksenadora na PA. Hindi PA ni male singer ang nabanggit na PA, kundi sa isa pang accoustic group. At ‘yung lalaking kalaplapan ni male singer, hindi masabi nu’ng PA kung kasama ba ‘yun ni male singer o kung miyembro ng ibang accoustic group.

Naku, itong si male singer, hindi mo naman pagdududahang kulay-berde rin ang dugo.  Kailan  lang kasi  ay naging kontrobersyal ang pakikipaghiwalay niya sa kanyang girlfriend, at walang isyung lumalabas sa kanya na kinukuwestiyon kung amoy matris din ba ito. Clue? Dyosme! ‘And’yan nang  lahat!

HOW TRUE NA si Jodi Sta. Maria umano ang dahilan ng ‘cool-off’ ni Iwa Moto at ng kanyang bf na si Mickey Ablan?

Sa interview nga kasi kay Iwa Moto sa Startalk last Saturday, at sa lumabas dito sa Pinoy Parazzi, isang talent ng ABS-CBN na kilalang artista raw ang pinagbantaan umano ni Iwa na ‘pag hindi pa tumigil ay tiyak daw na magkakaroon ng gulo. Hindi rin naman pinangalanan ni Iwa ang sinasabi niyang third party na involved sa break-up nila ng kanyang dyowa.

Pero sa aming website na www.pinoyparazzi.com, may nagkomento n a maaaring si Jodi ang sinasabing third party ni Iwa, base na rin sa mga clues na inihayag sa Paparazzi noong Sunday. Ito rin ang lumalabas sa artikulo ni Dino Erece sa Bulgar, kung saan base sa mga tweets sa kanya ng mga followers, si Jodi nga ang tinutukoy.

Hindi rin naman namin agad masakyan ang isyung ito. Para kasing hindi kapani-paniwala na masasangkot ang isang Jodi Sta. Maria sa ganitong klase ng isyu. Kung pagbabatayan din naman ang mga sagot ni Jodi sa isyung she is not in good terms with her husband Pampi Lacson, lumalabas na she is ‘still happily married to him’ nga. And para namang wala sa imahe ni Jodi na ma-involve sa ibang lalaki, much more sa isa pang taken na rin naman.

So, we still have to wait pa rin sa magiging reaksiyon ni Jodi sa isyung ito. ‘Yun eh, kung papatulan nga niya…

NANINIWALA SINA ERWIN Tulfo at Martin Andanar na hindi kabawasan sa kani-lang credibility as news anchor ang pagbibigay ng love advice sa morning viewers. Pinatunayan nga iyon ng dalawang hard-hitting journalists sa presscon ng Sapul sa Singko ng TV5 na ginanap sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City last Monday.

Tampok sa nasabing presscon ang isang segment ng morning news-magazine show (airs at 5:00-8:00 am) na ‘Love Hurts’ na tinwag din nilang “naiibang serbisyo publiko sa balat ng telebisyon”, kung saan tinatalakay ang iba’t ibang isyu sa pag-ibig mula sa pinakakakatwa hanggang sa pinaka-kumplikadong suliranin.

Sabi nga ng mga nabanggit na news anchor, mas nailalapit pa nga nila ang kanilang sarili sa mga manonood, dahil nakikita nga ng TV viewers ang kani-lang ‘other side’, na sila ay tao rin, at nakararanas din ng mga problema sa puso. Simpleng-simple nga lang kung iprisinta nina Erwin at Martin ang naturang segment nang naka-T-shirt lang, at nagbibigay ng love advice na hindi kayang gawin ng ibang love jocks sa radio – tapat, nakatutuwa, at diretsahan. Iyon ay matapos ang maikling dramatization ng mga co-hosts ng show sa napiling ‘love letter’ of the day mula sa mga viewers.

Idagdag pa ang payo ng kapapasok pa lang sa show na si T’yang Amy Pe-rez, para naman maging devil’s advocate at referee ng dalawang nasabing ‘love experts’.

Kasama rin sa morning show ng TV5 sina Chiqui Roa-Puno, Shawn Yao, Atty. Mike Templo, Lourd de Veyra, Lia Cruz, Benjie Felipe, at si Makata-tawanan of Talentadong Pinoy fame.

Danny’s Law

by Danilo Jaime Flores

loading...

5 thoughts on “MALE SINGER, HULING-HULING NAKIKIPAGLAPLAPAN SA KAPWA LALAKI!

  1. si martin andanar certified din na baklush mga manash noh hindi lang pinapakita sa tv5 noh kasi midyo naiilang pa piro mga mamah at mga gwapings dyn tanungin nyo pa si papa erwin koooh hay naku babush!

  2. Nyoy Bolante ba un singer na d nmn halata na berde ang dugo? xa lng nmn un isa s mga acoustic singers na kontrobersyal ang pag-split sa dating gf na c Nina db? at wala ng iba pa!!!!

  3. oo nga,,i love joy,,mabuting ina,,,i dont think so na gagawa sya ng ganito na ikakasira nya,,knowing jody na simple,di pashowbiz,,maayos at maprinsipyong babae,,,para pumatol sa ibang lalake na binatang ama pa,,,parang di yata swak sa personality ni jody ito,,,at maayos at masaya sila ni pampi kahit may mga ilang isyu na natural lang sa mag asawa iyon,,,hay nako,,,sya ba tlaga o nag guess lang kayo,,,parang di jody iyan,,,,sana tlaga magsalita si jody tungkol dito sa kasiraang isyu na iyan,,,,ngayon paba maglalandi si jody ng ganyan,,,,JODY pls,,,talk,,pls,,,

Leave a Reply

Your email address will not be published.