Male celebrity, nagdala ng cocaine sa hotel?

SA GITNA NANG pagluluksa ng buong bansa sa pagpanaw ng dating Pangulong Cory Aquino nu’ng nakaraang Sabado, bigla kaming napasugod sa isang hotel sa Pasig dahil may nag-tip sa amin na nandu’n daw naka-hold ang isang kontrobersyal na male celebrity dahil wala raw pambayad at nalamang may dala raw itong ilang gramo ng cocaine pati timbangan.

Pagdating namin sa naturang hotel, parang wala namang gulong nangyari. Pumunta kami sa reception para tanungin kung totoong may ganu’ng pangyayari at kung nandu’n nga itong kilalang male celebrity, pero tumanggi sila.

Wala raw gulo at wala naman daw roon itong itinatanong naming tao kaya umalis kami agad. Pero nang nabanggit namin sa isang security guard na nakabantay sa labas, sinabi niya sa aming nakita nga raw niyang lumabas ng hotel na ‘yun itong celebrity mga pasado alas-sais ng gabi. Pero wala naman daw siyang nabalitaang may ganu’ng gulo.

Pero nagdududa pa rin kami dahil very reliable ang nagbigay sa amin ng naturang impormasyon.

Sinusubukan naming tawagan itong male celebrity pero hindi namin ito makontak.

Aalamin pa muna namin ang nasagap naming balita, at saka ko na babanggitin kung sino ito.

Basta, dati siyang sikat sa sports at pinasok din ang pag-aartista, pero hindi na siya ngayon gaanong active lalo na’t ilang beses na siyang nasasangkot sa gulo.

SA AUGUST 16, ilo-launch na ang Starstruck kaya tiyak na mabubuhayan na naman ng pag-asa ang mga gustong mag-artista.

Ang tanong lang ng iba, paano na ngayon ang ibang talents ng GMA Artists Center na galing sa Starstruck kung madagdagan na naman sila ng mga bagong talents?

Mabuti na ang iba dahil nagka-career sila pero marami pa ring walang nangyari sa kanilang showbiz career kaya nakalimutan na lang.

Ang isa nga sa kinukumusta ngayon ay ang career ni Mark Herras dahil parang tahimik siya ngayon at wala pa siyang bagong show. Parang natatalbugan na nga siya ngayon ni Aljur Abrenica.

Hindi naman nagmamadali si Mark dahil mas alam naman daw ‘yun ng GMA-7 kung ano ang nararapat sa kanya.

Ang narinig namin, meron silang gagawing primetime series ni Jennylyn Mercado pero wala pa itong linaw. Ayaw naman daw munang umasa ni Mark sa ngayon.

Nakatakda siyang umalis pa-Amerika at Canada para sa GMA Pinoy TV event at pagbalik niya rito, malalaman kung tuloy itong gagawin nila ni Jennylyn.

Tahimik rin ngayon ang lovelife niya dahil mas okay na raw ang ganu’n para hindi na magulo. “Baka mamaya ma-deny na naman ako kaya okay na ‘yung tahimik,” pahayag ng young actor.

loading...

8 thoughts on “Male celebrity, nagdala ng cocaine sa hotel?

  1. Selecting the right hotel is always a trying task, and using the huge number of promotions, offers and programs out there, it can be downright overwhelming. It doesn’t assist that these days most hotels have Web websites full of tantalizing photos and slick promotional copy that make you think you’ll be bathed in luxury as soon as you step foot into the lobby.

  2. mabuti nalang umalis ako sa pinas at bumalik ako sa Korea wala akong career sa ABS! Ngayon bonggang bongga ang career ko d2 sa Korea may group akong 2NE1.. kumusta na pala ang ex boyfriend kong si Joseph Bitangcol may work ba siya ngayon sa ABS? how about my friend Joross Gamboa?

  3. mabuti pa nga si cristine reyes galing sa starstruck may primetime show sa ABS ako na galing Star Circle Quest pinabayaan lang nila ako sana mag offer sa akin ang GMA lilipat talaga ako huhuhuhu Tamlay ng Career ko sa ABS..

  4. starstruck talents ng GMA pinipirata ng ABS inooferan ng malaking talent fee lumipat lang,,, di ba si Cristine Reyes? Jake? asan na ba ang Star Circle Quests grand winner naging Laos sa ABS at pinabayaan lang kaya humingi ng tulong kay Kuya Germs para makapasok sa GMA…

  5. naku eto na naman sa starsrtcuk eh dami ngang frozen delight sa mga graduates ng starstruck!
    mas maganda mag comedy na lang si mark kc mas bagay sa kanya.
    wag muna mag drama kc kulang pa rin sa lalim ang akting nya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.