Male celebrity at showbiz reporter, nag-churvahan sa Boracay?!

NAKU HA! ANG dami pang nakarating sa akin na mga tsika galing Boracay, huh! Ewan ko ba! Kapag nandu’n sila sa Boracay, kahit Semana Santa, bongga sila sa pagwawala!

Siyempre, hindi naman ako sanay mag-blind item pero hindi ko puwedeng banggitin ang name ng magandang showbiz reporter na ito na OA raw sa kalasingan. Ang ending, na-churva ito ng isang male celebrity na anak ng galing sa isang maimpluwensiyang pamilya.

Hay naku! Kilalang-kilala ko at malapit sa akin ang lalaking nakatikiman nitong showbiz reporter na ito, pero hindi ko puwedeng mabanggit ang name dahil wala ako ru’n, eh! Ikinuwento lang sa akin ito dahil sila ang pinag-usapan ng ibang reporter na nandu’n.

Actually, narinig ko na nu’n ang tungkol sa dalawang ito na nagkatikiman na rin sila nu’n sa isang showbiz party. Pagkatapos, ngayon namang nagkita sila Boracay, nagkatikiman na naman?

Bongga, huh! Kaya pala itong hitad na showbiz reporter na ito ay pa-tito at tita ang tawag niya sa magulang nitong male celebrity. Ganu’n na siya ka-kumportable sa pamilyang ito? Bongga siya!

Wala naman silang relasyon, eh! Basta ‘pag nagkikita sila, churvahan agad lalo na kung lasing na itong male celebrity at ngenge na rin sa kalasingan itong si magandang showbiz reporter.

Pero, parang hindi naman ako gaanong nagagandahan sa showbiz reporter na ito. Sabi kasi nila sa akin, ang daming niretoke sa katawan niya, mula sa mukha hanggang daw sa puwet niya.

Kaya lang, hindi naman daw ganu’n ka-pulido ang pagkaretoke sa kanya. ‘Yun na!

IN-ANNOUNCE NA PALA ni Sen. Bong Revilla sa ilang reporter na malamang hindi na raw muna nila itutuloy ang part two ng Ang Panday na dapat ay isasali sa Metro Manila Film Festival.

Dapat daw kasi ay nagsisimula na sila ngayon ng shooting dahil matagal gawin ang pelikulang ito pero dahil sa abala si Sen. Bong sa pangangampanya at kung hihintayin pang matapos ang eleksIyon, magagahol na raw sila at baka hindi lang nila mapaganda nang mabuti.

Iyong unang Panday nila ay halos isang taon nilang binuno ‘yun kaya na-achieve nila na ganu’n kaganda. Eh, ang target pa sana nila ay mas maganda itong part two, kaya baka hindi lang nila mapaganda nang mabuti kung maghahabol sila sa deadline.

Pag-uusapan pa raw nila ng GMA Films kung ano ang mabuting gawin dahil mukhang hindi na nga raw talaga matutuloy itong part two ng Ang Panday.

Baka ang ending niyan, si Jolo Revilla na ang gagawan nila ng pelikula dahil maganda naman ang kinalabasan ng Agimat series niya sa ABS-CBN 2.

Meron na nga siyang malapit nang simulan, ang Kapitan Inggo, Kumakain ng Bala.

Baka matagalan pa raw itong series nila sa Agimat dahil consistent ang rating nito.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

27 thoughts on “Male celebrity at showbiz reporter, nag-churvahan sa Boracay?!

  1. haha nice one pulido!… Omg I thought my vision was just playing with me, I am right she is retokado! She look retokada!

  2. hehehe lane ikaw cguro gumawa ng report kasi tanga naka pirma sa psychiatric test eh pari hehehe bopols ka pala eh kailan pa naging authorize gumawa ng psych report ang pari. kaya nga may psychiatrist eh sila gumagawa nun ganun report heheheh bopols talaga tong si lane……….si father caluag mismo nagsabi pineke yun pirma nya tsaka pari sya di psychiatrist hehehe BOBO, pari na pala ngayon ang sinungaling sila villar lng ang nagsasabi ng totoo hehehe

  3. I did my research. It’s absolutely true. The truth will definitely surface, just wait and see. Of course ABS-CBN will deny it. Cory Aquino is the reason they still exist. They will defend Cory’s children at all cost. Did you watch carefully Noynoy’s face when asked about this psychiatric issue? He is almost losing it. His demeanor explains itself.

    I am not a Villar supporter. I am a Filipino who only wants what’s best for my country.

  4. lane…ateneo denied na me ganong document….in other words….DRAWING PO ANG LAHAT….FABRICATED…SCRIPTED…….DESPERATE MOVE OF THOSE POWER HUNGERED PEOPLE

  5. MS. LANE mgresearch k nga bago ka mgconclude,,,ang psychiatric report na ngssbi na me depression c noynoy AY FAKE……pinapakalat ni villar …desperate move para pbgskin ang rating ni noynoy……ANG TAONG NANINIWLA S SBI SABI, WLANG BAIT S SARILI …kailangn ng psychiatrist test

  6. Nabasa nyo na ba ang pinakabagong balita ngayon naPsychiatric record ni Noynoy galing sa Ateneo? Hanapin nyo sa internet basta i type nyo lang sa search ang “Noynoy sira ulo” tapos mamili nalang kayo ng websites.

    Noynoy Aquino sira ulo pala. Mabuti nalang nalaman natin agad kundi baka magkaroon tayo ng presidente na may tupak. Napakadami yata ng problema ng presidente paano kaya ito haharapin ni Noynoy baka matuluyan na syang dalhin sa mental hospital

    Sino kaya ang angkan ng mga abnoy (may tupak) Aquino o Cojuangco. Namana lahat ni Kris at Noynoy

  7. guys cno c gretchen pullido? san sya belong na channel
    sori…d me aware ngayon sa showbiz eh
    sana may sumagot….

    • ano ano ba ang mga in-edit kay Greta other than her nose?
      i’d like to think that her breasts are real for she was a longtime swimmer. pero wont be surprised na rin if they were operated on. too big. malaki pa sa mukha nya.

  8. GRABE…IMBENTO NANAMAN ANG NAKASULAT DITO…WHAT A WASTE OF TIME…SIGURADUHIN MUNA ANG MGA FACTS NG KWENTO BAGO ISULAT…JOURNALISM BA TAWAG DIYAN OR TRASH NEWS?????

  9. GRETCHEN PULIDO! YUP, TOTALLY RETOKADA SIYA. I SAW HER BEFORE PA SIYA NAGING SHOWBIZ REPORTER. AMAZING ANG GUMAWANG DOKTOR SA KANYA. ANG PRETTY NIYA NGAYON. ANYWAY, SABI NGA NG ISANG MAIMPLUWESIYANG TAO SA TV ” KAPAG MAPERA KA NA PANGIT KA PA RIN, ABA EH KASALANAN MO NA IYAN”. MATUK!

Leave a Reply

Your email address will not be published.