Male at female talk show hosts na nagsasampalan noon, magkasama na sa show ngayon!

SABI NGA NG isang showbiz cliché, there are no permanent friends or enemies in this business, only permanent interest.

Tama ang kasabihang ‘yan with regards to what transpired before between the female talk show host at isang male talk show host.

According to our source na isang TV5 insider na ngayon, nagkaroon pala ng sampalan scene ang dalawang personalidad months ago nu’ng kainitan ng kanilang tarayan in print and in their Twitter accounts.

Nang nagkaroon daw kasi ng chance na nagkita ang dalawa, e, hindi na raw nag-dalawang isip ang female TV host at sinampal niya ang male TV host without batting an eyelash.

Mabuti na lang, umiral pa rin daw ang pagiging lalaki ni TV host at hindi niya basta pinatulan ang sumampal sa kanya. Dinedma na lang daw niya ‘yon at umalis siya para makaiwas sa mas magulo pa sanang situwasyon.

On that particular moment siguro, e, hindi umiral ang pagiging blabber mouth ng male TV host dahil natahimik siyang bigla sa harap ng sumampal sa kanya.

But now, look what’s happening sa kanilang mga career. Magkasama na silang dalawa ngayon sa isang TV show kaya naman nang nagkita sila sa isang pictorial session ay nagbeso-beso na raw ang dalawa na parang walang nangyari. Tutal naman, trabaho lang ‘yon at walang personalan. Why not, hendehvah?

Kaya ngayon, tuwing meron silang taping, e,every minute silang nagtsitsikahan pero ewan lang namin kung nagmumurahan sila kapag nakatalikod gaya ng “’na mo”. Getz?!

ANG SUWERTE NAMAN talaga ni Sam Milby. Aba, nang tinanong siya ng isang news reporter kung ano ang kanyang masasabi sa rotational brownout na nangyayari sa Metro Manila for several weeks na, e, para siyang inosenteng bata na walang kaalam-alam sa mga nangyayari sa ‘Pinas.

“Huh! Nagba-brownout ba? Sorry, I didn’t now na madalas palang magkaroon ng brownout ngayon,” sagot pa ni Sam.

Hmmmm… mukhang ganu’n talaga ang mga sikat at mayayaman. Hindi puwedeng maka-experience ng brownout. He-he-he!

Kunsabagay, kahit nga si Anne Curtis na kasama niya sa pelikulang Babe, I Love You ng Star Cinema, e, hindi rin aware na may energy crisis sa ‘Pinas. Parang hindi talaga nila nararamdaman ang nangyayaring power outbreak.

Siguro, mararamdaman lang ng dalawang ‘yon ang krisis sa enerhiya kapag nag-brownout nang matagal sa mga sinehan in time with the showing of their movie sa April. Hek-hek-hek!!!

Joke, joke lang’yon. Siyempre, ‘wag naman sanang mangyari ‘yon kasi kawawa naman ang local industry ng pelikula kung sakali, hendehvah mga kafatid?

POSITIVE ANG RESPONSE ng mga televiewers sa pagpasok ni Bobby Andrews sa Bebe and Me ng Daisy Siyete.

Bagay na bagay raw kasi sa kanya ang role ng masamang Mayor na nagbago ng ugali dahil sa pag-ibig kay SexBomb Myka Bautista.

And gaya ng kanyang role sa Daisy Siyete, nagbabagu-bago rin si Bobby ng role bilang character actor kaya naman lagi siyang pasok sa banga sa mga teleserye. Napaka-versatile kasi niya unlike his kasabayan sa TGIS noon na hanggang ngayon, e, trying hard pa ring nilalako ang sarili sa mga executive producers ng mga TV series.

Sino ‘yon? Ask n’yo si Richard Guttierez at baka knows niya ang TH na dating matinee idolo na ‘yon. He-he-he!

For reaction please e-mail mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

9 thoughts on “Male at female talk show hosts na nagsasampalan noon, magkasama na sa show ngayon!

  1. eh paano naman maramdaman nina sam at anne ang brownout na wala naman sila lagi sa bahay nila dahil lagi silang nasa shooting.

    • pwede ba tigilan na nga nila ung pagkukunwari nila. siguro kung nakatira sila sa isang island sa gitna ng dagat ay maniniwala ako na wala silang alam na nagba-brown-out sa pinas. BAKET, DI BA SILA NAGBABASA NG NEWS O WALA BA SILANG TV? That’s B.S. Narito ako sa labas ng pinas pero updated ako sa mga nangyayari dyan sa pinas, anoh!

      • you just said it… maybe they dont read the news. and i dont think they have enough time like we do to stop and watch the tv. wala din ako sa pilipinas, and if it wasnt for my family i wouldnt also know na nagbabrown out sa pinas.

    • Ruffa G or Ruffa Mae? Kailan pa nagsampalan si Ruffa G at Mo? Kung si Ruffa Mae naman, may TV show na ba ang dalawa, ulit?

Leave a Reply

Your email address will not be published.