Malditang young actress, pinagsasampal ang ina dahil sa kalasingan!

NALOKA AKO SA kuwentong nakarating sa akin tungkol dito sa young actress na sobrang maldita, ha?!

Naaaliw naman ako sa mga artistang may kamalditahan pero ‘yung pagsampal-sampalin mo ang sarili mong nanay ay hindi na yata kamalditahan ‘yun! Hindi ko naman yata matanggap ang ganu’n kasamang ugali.

Dati ay pinagtsitsismisan pa itong may kalandian. Ngayon naman, kasamaan na ng ugali ang isyu niya.

Kamakailan lang daw ito nangyari sa isang restaurant somewhere in Quezon City, kung saan sinundo na raw itong young actress ng mommy niya dahil sobrang lasing na.

Ayaw raw paawat itong hitad na ito, ayaw umuwi. Siyempre, hindi naman iiwan ng nanay niya sa gan’ung sitwasyon kaya kinulit itong umuwi na.

Nairita raw ito sa nanay niya, pinagsasampal ba naman! Sobra na ‘yan ‘di ba? Subukan niyang magpaka-sweet at i-deny ang isyung iyan at baka siya ang makatikim ng sampal mula sa akin.

Dati nga, nabalitaan ko rin na nakipag-away rin daw ito sa tiyahin niya na may mataas na posisyon sa isang network. Sa irita raw niya, hinablot ba naman ang blouse ng tita niya at napunit pa nga ito. Naku day! Huwag niyang gawin sa akin iyan at baka mukha niya ang mapunit.

Masama raw talaga ‘pag malasing ang babaeng ito kaya dapat habang bata pa siya, masuheto na para hindi humaba ang sungay.

Sobrang alaga pa naman ito ng network niya at pawang magagandang project ang ibinibigay sa kanya. Pero ganyan ang ugali niya, hindi maganda ang kababagsakan niya. Dapat na mapagsabihan ito at bigyan ng tamang disiplina.

Ayokong magbigay ng clue at baka mabanggit ko pa ang name. Sa susunod na lang, meron namang bagong show na pinu-promote iyan.

ANO NA NAMAN itong intrigang kinakalat ni Tita Swarding na may nabuntis daw si Ejay Falcon?

Kung sinu-sino itong babaeng nagsusumbong sa kanya, pinapatulan naman agad.

Ang bait ni Ejay at parang walang kamuwang-muwang pa ito na medyo aanga-anga pa nga minsan, nakabuntis na pala? Naku, Benjie Alipio sagutin mo ‘yan!

Kaya lang minsan naman hindi na kapani-paniwala ang ganu’ng isyu dahil depende naman sa babae kung kapatul-patol.

Gaya nu’ng kay Mark Herras na meron daw itong nabuntis, nanahimik naman at ang drama sa ibang bansa na lang daw manganganak. May ganu’n?

Hindi naman apektado si Mark sa intrigang ‘yun dahil hindi na bago iyan sa kanya. Pero ang unang kinausap pala at pinaliwanagan ni Mark nang lumabas ang isyung iyan ay si Ynna Asistio at ang pamilya nito.

Ganu’n ka-close si Mark kina Nadia Montenegro at siguro meron talagang namamagitan sa kanila ni Ynna kaya roon siya unang nag-explain na pinaniwalaan naman nina Ynna.

Sabi naman ni Ynna, hindi kapani-paniwala ang ganu’ng intriga kay Mark kaya dinedma na lang nila ito.

Magsasama pala itong sina Mark at Ynna sa bagong telebabad ng GMA-7 na Diva nina Regine Velasquez at Mark Anthony Fernandez.

ABANGAN N’YO PALA sa Sabado ang Startalk at may bago na naman kaming pasasabuging isyu.

May follow-up story kami sa mag-inang Marlene Aguilar-Pollard at Jason Ivler. Meron din kaming kuwento kay Jackie Rice at sa Mommy niyang si Vicky Sobreo-Rice na kinuha na niya pala ito sa Zambales para magsama sila uli.

Nagkahiwalay kasi ang Mommy at Daddy ni Jackie, kaya sinundo nito ang Mommy niya para magsama sila ng Daddy niya sa kanilang bahay, baka sakaling magkabalikan ang magulang niya. ‘Yun lang naman ang wish ni Jackie sa ngayon lalo na’t gumaganda ang career niya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

33 thoughts on “Malditang young actress, pinagsasampal ang ina dahil sa kalasingan!

  1. nakita ko yang pangyayaring yan nuon sa restaurant sa qc.. sikyu kc aq dun sa katabing place. tsk tsk.. ganda panmn

  2. at xa pla ung blind item sa tv5 na program juicy with ic at ung sister ni toni gonzaga b un

    grabe naman un kung totoo nanay mo sasampalin
    eh xa RR lng naman ang na papabalitang my tita sa isang tv network

  3. hindi kami bulag..hindi kami tanga!

    ipakita mo ebidensya mo at kapag napatunayan mong totoo…i will not support rhian anymore! mark my work!

    hindi ko kayang suportahan ang isang artistang hindi marunong gumalang sa magulang…

    bakit ng magguest c rhian sa startalk hindi itinanong ni lolit yan? hindi ba pagkakataon na ni lolit na macorner nya c rhian..pero anong nangyari wala!

    • mark my work????????????
      haha! bka word??? sory pro layu nman ng
      letter K sa D
      haha bobo lang gaya ng idol mo!!!!!!
      epal.. fail!

    • I think ang nasa blind item ni Solis si MAJA SALVADOR kasi ito yong young actress na nabalita na lumalaban sa Nanay. So i think si MAJA SALVADOR ITO.

  4. tanggapin nyo kasi na bulok ang pagkatao ng idol rhian nyo….wake up……nananmpal ng nanay si rhian ramos…..

    poor fans…..mga baliw…bulag pa

  5. whaaaaaaaaaaaaaaaa hindi magagawa ni rhian yan.. mabait ang idol ko. sa aming mga fans nga sobrang bait. nakita namin kung gaano nya ginagalang mommy nya. love her so much. rhian idemanda nga natin si lolit. hehe

    • baka pag hindi lasing mabait.. diba ang sabi lasing siya ng ginawa niya yun?? Try nyo kayang lumapit sa kanya pag lasing para malaman nyo kung totoo o hindi. Well as far as i know hindi talaga maganda effect ng alak sa tao, better to stay from it!!

  6. hindi totoong si rhian toh.. baka ibang artista ito. kasi di kaya ni rhian ang saktan ang sarili nyang ina. ang bait kaya ni rhian, mabait na anak at kapatid. ang sumulat nito may maisulat nga lang. hay buhay. lolit madala kana!

  7. Never gagawin ni rhian yan sampalin nya mommy nya! sino ba writer nito? lolit solis? walang kwentang writer. sumisikat kasi si rhian kaya pilit sinisiraan. booooooooooooo!!

  8. asus, kunwari pang ayaw pangalanan eh nasa clue naman.. alam mo lolit, galing mo gumawa ng stories noh.. tsk..tsk..
    credibility is something a writer should have to be well-respected.. beware, one of these days ikaw na ang isusulat at nademanda ka na pala dahil sa mga sinusulat mong wala namang basehan..

  9. lolit nakita mo ba? ang galing mong manghusga hindi mo naman nakita!alam mo bang hindi pa nakakalimutan ng publiko ang mga pnaggagawa mo ha????/remember the mmff scam?ikaw ang nagmanipulate noon..ung kay piolo at sam dba ininbento mo un hindi ba?sana makarma sa mga pnaggagawa mo?bakit hindi mo itinanong kay rhian ng magguest cya sa startalk..para malinis naman ang pangalan nya!

  10. masdayo tong below the belt for rhian…even though siguro na masama ang ugali mo,maldita o kung ano pa man di mo siguro magagawa ito in public….na sampalin ang nanay mo….pwede siguro sigawan, itanggi, and the likes pero physical abuse..this is way to much….if i were rhian demanda kaya nya si lolit…libel to and oral defamation (slander)….tsk…tsk

  11. SUGARPOP… hindi gawa gwa ang kwento tungkol sa kamalditahan ni rhian. even dingdong dantes, sinasabing DEMONYITA ang ugali ng makating babaeng yan kinangkang si akihiro sato!

  12. ikaw lolit ang galing mo talagang mag imbento nang kuwento.sana kunin ka na lang ni lord sa mga pinagsasabi mo. bat di nalang yang sarili mo ang ikuwento mo sa mga tao, yang mga kademonyohan mo, di mo ba alam na sa tuwing nagkukuwento ka nang mga kasinungalingan an daming lumalabas na linta sa bunganga mo, sana nabilanggo ka na lang noong dinemanda ka nina piolo at sam para magtanda ka.bruha walang kuwentang tao, mamatay ka na sana….

  13. rhian yan……

    pareho nang masama ugali ni marian at rhian…majority sa kapus ay masama ugali…

    SI ejay AY mabait talaga yaN NOH…….

  14. Naku! sinisiraan lang ni Lolit Solis si Rhian Ramos. PR kasi yan ni Marian Rivera kulangot. eh hindi in good terms si Rivera at Rhian. so kelangan makisali ni Solis para siraan si Rhian. Lolit bistado ka na ever…mahiya ka nga. meron pa bang tatalo sa kasamaan ng ugali ni Rivera. syempre pa ikaw na makapal ang mukha ang kukuhanin nilang PR para mag damaage control kay kulangot kasi super kapal ng mukha mo sa kasinungalingan mo, inventor ka ng dayaan sa Famas.

    • hahaha KOREK KA DYAN SA CNBE MO!!!!! ALAM KC NI LOLIT NA PASIKAT ITONG PAMANGKIN NI WILMA NA C RHIAN RAMOS !!!! YAN C LOLIT BIAS TALAGA YAN HALATA AT KITANG KITA!!!!! EWAN KO BA SA MGA TAO AT NANINIWALA PA SA LOLIT NA TO EH DAKILANG SINUNGALING AT MAPANGGAWA NG KWENTO DB? FAMAS TAKE IT!!!! TAKE IT!!!! HISTORY NA YAN NG MOVIE INDUSTRY LAHAT GAGAWIN NYA PARA SA ALAGA NYA KAHIT WALANG IBUBUGA!!!! HHAHAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.