Malditang Aktres, minamaltrato ang sariling driver!

MARIING ITINANGGI NG pinakasikat na Sexbomb dancer na si Rochelle Pangilinan nang makausap namin ito sa 24th Star Awards for TV last November 13, kung saan isa ito sa performer, ang tsikang wala na siya sa kuwadra ng kanyang manager na si Ms. Joy Cancio, ang CEO/President ng Focus E.

Tsika ni Rochelle, hindi nito lubos-maisip kung saan nanggaling ang malisyosong balita dahil hindi raw totoo at gawa-gawa lamang. Papaano raw siyang aalis sa poder ni Ms. Joy Cancio, samantalang kasa-sign lang daw nito ng kontrata sa Focus E?

Kung iiwan daw niya ang Sexbomb at ang kanyang manager, noon pa daw sana niya ginawa ito. Masyadong matagal na raw ang pinagsamahan nila ng kanyang manager at ng Sexbomb girls at maganda naman daw ang kanilang naging pagsasama kaya naman daw bakit niya kailangang iwan ang kanyang manager at co-Sexbomb girls?

Basta sa ngayon daw, masaya raw siya sa pangangalaga ng kanyang manager kung saan tatlo ang kanyang regular show – ang Party Pilipinas, Show Me Da Manny at Ilumina. Trabaho raw ang gusto niya kaya naman daw anytime na kailangan siya ng grupo niyang Sexbomb at ‘di naman sagasa sa kanyang regular show, sasama at sasama siya para mag-show.

BONGGA ANG NAGING presentation ng launching ng Bench Perfume (Gutz) at Bench Time ng isa sa pinakamaningning na matinee idol sa bansa na si Richard Gutierrez, na ginanap sa Establishment sa The Fort last Nov. 15, kung saan isang napakaganda at pabolosong fashion show mula sa mga A1 Models sa bansa ang nagsilbing panimula, dala-dala ang  Bench Perfume na iniendorso ni Richard na sinundan ng pagrampa ng mga modelo na dala naman ang Bench Time na iniendorso pa rin ng sikat na Kapuso actor.

Halos kumpleto at suportado si Richard ng kanyang pamilya mula sa kanyang Daddy Eddie, Mommy Annabelle, mga kapatid na sina Ruffa kasama ang dalawa nitong pretty daughters at si Raymond. Dumalo rin ang mga alaga ni Tita Annabelle na sina Ehra at Michelle Madrigal, Paolo at Bubbles Paraiso, Carla Humphries at John Hall. Present din ang may-ari ng Bench na si Mr. Bench Chan.

BLIND ITEM: SINO itong kontrabida aktres mula sa isang big TV network ang sinasabing maldita sa kanyang driver? Grabe raw kung sigaw-sigawan nito ang kanyang driver dahil sagad daw sa buto kung magalit ito.

Bagay na bagay raw nga ang role na ginagampanan nito sa mga serye ng big TV network na kanyang kinabibilangan dahil sa sama ng pag-uugali nito. Tsika pa ng aming source, na kinukuwentuhan nito ng kanyang ‘di magandang karanasan sa malditang aktres, na hindi na nga raw mabilang ng pobreng driver kung ilang mura na at pamamahiya ang inabot nito sa kamay ni kontrabida actress.

Kung madali nga lang daw humanap ng trabaho, matagal-tagal na raw iniwanan ng nasabing driver ang malditang aktres.

Ayaw lang daw nitong umalis dahil inaalala nito ang kanyang pamilya lalo na’t sasapit ang Kapaskuhan. Kaya naman daw tinatanggap na lang nito ang ginagawang pang-aalipusta at paninigaw sa kanya ng may kapangitang ugaling kontrabidang aktres.

Kung sa bagay, ilang aktres na ba sa nasabing TV network ang inaway nito? Siguro marami-rami na , pero hanggang ngayon, bongga pa rin ang posisyon ng malditang aktres at patuloy pa rin sa pagkakaroon ng magagandang proyekto, kahit masama ang ugali. ‘Yun na!

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

38 thoughts on “Malditang Aktres, minamaltrato ang sariling driver!

  1. pareho kong like si Angel at Marian first time kung napanood si marian nung partner nya pa si Oyo Kung Mamahalin Mo Lang Ako ang title ng drama series nila and sobrang nagandahan ako sa kanya and si Angel din sa click ko sya unang napanood then sa Darna. Nahihirapan ang kalooban ko sa mga taong nag aaway away dito ^_^ kasi nmn kung anu ano pingsasabi nyo sa knilang dalawa e pareho ko silang like di ba pwedeng PEACE nlng pls…. tama na ang siraan!!!! :)

  2. I think hindi si Angel or Marian yan kasi obviously pareho silang bida and ung news is hindi nmn nangyari dati kundi ngayon lng tingin ko si Pauleen Luna yan kontrabda role nya pero guess ko lng nmn kasi sya lng ung maraming kaaway na nababasa ko sa pep..

  3. nasaan na yung bayaran ni angel locsin na matandang hukluban?? nastroke na ba? heheh

  4. Im sure mga kapams diyan sasabihin nila si marian rivera nanaman ang nasa blind item

    eh sabi nila konrtabida baka si katrina halili yan

  5. Tanga di ako yan, I was never a kontrabida, ako lagi ang bida, si angelica p. Yan, pero I dnt think kaya ni angel gawin to, ang baklang ito lang gusto magpapansin

    • gamit naman ng konting brain cells jan. kontrabida nga ang clue eh. kung magiging hater, at least maging smart hater hindi bopol hater diba!

      • TANGA!!! kaya nga kontrabida ang clue eh!! marunong ka bang magbasa??!! kailan pa kaya naging kontrabida si Marian eh palagi syang bida!!! BOBO!! matuto ka ngang magbasa!!!!

    • TANGA KA BA?? kaya nga kontrabida ang clue eh!! kailan pa kaya naging kontrabida si Marian eh palagi naman syang bida!!! BOBO..saan ka ba nag-aral??! matuto ka ngang magbasa!!!!stupid!

  6. si marian rivera yan..siya ang anaconda..kontrabida sya..marian rivera yan for sure..ahas valentina kontrabida

    • TANGA KA BA?? kaya nga kontrabida ang clue eh!! kailan pa kaya naging kontrabida si Marian eh palagi naman syang bida!!! BOBO..saan ka ba nag-aral??! matuto ka ngang magbasa!

  7. Yong picture ni Rochelle Pangilinan parang ang boobs nya from Salamat Dok, nagparetoke ba sya ng boobs? Kasi yong mga old pictures nya, hindi masyadong malaki ang boobs nya. Like her skin color, filipinang filipina at bait sya, tinutulongan ang kanyang pamilya na walang ibang taong ginagasaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.