Maldita at Maepal na Aktres, Gusto Nang Sapakin ng Aktor na Kasama sa Sitcom!

SIPAT: ‘AYAW kong maging si ENCHONG DEE!’ – KRISTOFFER MARTIN
EKLAT: Ay, SINO po siya?

SIPAT: AYAW raw niyang MATSISMIS na BADING, sey pa ng bagets.
EKLAT: May TSISMIS bang BADING si ENCHONG? WALA, ‘no!

SIPAT: ‘Kung MAY KASALANAN AKO, I WILL APOLOGIZE,’ sey ni MARIEL RODRIGUEZ.
EKLAT: TONI, LUIS, at ANNE… MALINAW ‘yan, ha?

SIPAT: BAKA naman INOSENTE TALAGA si MARIEL…
EKLAT: ‘Yung TIPONG VIRGINAL pa sa KAWALANG-MUWANG.

SIPAT: INTINDIHIN na lang sana si MARIEL…
EKLAT: …na GANO’N na TALAGA ang UGALI niya.

SIPAT: PINAALIS si KRIS AQUINO sa ‘PILIPINAS, WIN NA WIN’?
EKLAT: Bakit TATLONG BUWAN pa ang PINALIPAS?!

SIPAT: In fairness kay TETAY, NATANGGAP niyang TSINUGI siya.
EKLAT: As if may CHOICE!

SIPAT: PALITAN na lang ang SHOW. At si POKWANG ang MAIN HOST.
EKLAT: GAWIN nang WOWAWANG!

SIPAT: TULOY na TULOY na ang SHOW ni WILLIE REVILLAME sa TV5.
EKLAT: ABS-CBN lang naman ang KUMOKONTRA!

SIPAT: ‘WAG naman daw sanang MASYADONG GABI ang SHOW ni PAPI…
EKLAT: REQUEST ng SENIOR CITIZENS.

SIPAT: MASYADO raw PISIKAL makipag-BASKETBALL si LUIS ALANDY, sumbong ni MO TWISTER.
EKLAT: Mag-JACK-STONE na lang kayo!

SIPAT: Baka nga naman TAMAAN ang MUKHA ni DJ MO…
EKLAT: ‘Yan pa naman ang PUHUNAN niya sa SHOWBIZ.

SIPAT: ‘Kung HINDI lang BABAE ang MALDITANG ‘yan, NASAPAK na ‘yan ni [AKTOR]!’ mataray na litanya ng MAHADERA. ‘MASYADONG MAEPAL ang BABAENG ‘yan!’
EKLAT: ‘KITANG-KITA kaya sa KAMERA na BAD TRIP na si [AKTOR] sa MALDITANG ‘yan. Sige, PANOORIN n’yo ang SITCOM nila!’ ang CLUE na lang ng MAHADERA.

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Maldita at Maepal na Aktres, Gusto Nang Sapakin ng Aktor na Kasama sa Sitcom!

  1. Don’t think na si MR at Manny yan kasi, now lang bumalik si Manny after ng election. Si Ogie at MR parati magkasama sa SMDM.

Leave a Reply

Your email address will not be published.