Malaysian Trader, Laya na sa ASG

MAKARAAN ANG halos isang taon, pinalaya na ang negosyanteng Malaysian na dinukot ng mga hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Brgy. Kajatian, Indanan, Sulu.

Ito ang kinumpirma ni PNP Director Felicisimo Khu ng Western Mindanao Directorate for Integrated Police Operation.

Ayon kay Khu, noong Mayo 11 pinalaya si Mohamad Nasaruddin Bin Saidin sa Subah Timahu sa bayan ng Indanan.

Sa katunayan, nakauwi na sa Malaysia ang dayuhan kasama ang kanyang mga kaanak na sumundo sa kanya.

Tumanggi naman si Khu na idetalye ang pagpapalaya sa dayuhan habang wala ring sinabi kung may binayaran sa paglaya ng kidnap victim.    (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.