Malaysian, Pangunahing Suspek sa Pagpatay sa Asawang Pinay

NAKIKIPAG-UGNAYAN NA ang Embahada ng Pilipinas sa Malaysia sa mga kinauukulan doon upang mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng isang Pinay.

Lumalabas sa impormasyong ipinaabot ng Royal Malaysian Police sa Philippine Embassy sa Kuala Lumpur, ang asawa ng Pinay na isang Malaysian ang ikinukonsiderang pangunahing salarin sa krimen.

Sinasabing tatlong araw na na-comatose ang Pinay matapos gulpihin ng asawa.

Nagtamo ng abdominal trauma ang biktima na siya nitong ikinasawi.

Sinabi naman ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesman Raul Hernandez na nakakulong na ngayon ang mister ng biktima.

Handa aniya ang DFA na magbigay ng kaukulang tulong sa pamilya ng biktima.

“We are ready to extend appropriate assistance to the family, (including) repatriation of the remains to the (Philippines),” ani Hernandez.

(PARAZZI RE-PORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.