Malaysian Gov’t, Itinanggi ang Pang-aabuso sa mga Pinoy sa Sabah

MARIING ITINANGGI ng pamahalaan ng Malaysia ang sinasabing pang-aabuso ng kanilang security forces sa mga Pinoy sa Sabah.

Sinabi ni Malaysian Ministry of Foreign Affairs na kasinungalingan ang lumabas sa isang pahayagan sa Pilipinas kaugnay ng human rights abuse sa mga Pinoy sa gitna ng bakbakan ng Malaysian authorities at Sulu Royal Army.

Una na rin anilang itinanggi ng Chief of Royal Malaysian Police at Minister of Defence of Malaysia na tinatarget ang mga Pinoy o Tausug sa Lahad Datu at iba pang bayan sa pinagtatalunang lugar.

Sa huli, tiniyak ng Malaysian Ministry of Foreign Affairs na sa kabila ng bakbakan sa Sabah, patuloy silang uma-aksyon sang-ayon sa batas.

Samantala, nanindigan din ang Malaysia na patuloy nilang ipaglalaban ang kani-lang soberenya sa Sabah, pero siniguro ang kapakanan ng mga sibilyan.

“The Malaysian Government has also taken and will continue to undertake all necessary measures to ensure humanitarian needs of all civilians in the concerned areas are fully addressed.”

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.