Malaysian, Dinukot

 

ISANG MALAYSIAN FISH breeder ang dinukot, sa Mindanao.

Pinaniniwalaang iligal na pumasok sa Sitangkai Island, sa Tawi-Tawi si Pang Chang Pong, 47 taong gulang para bumili ng isda nang kidnapin ng apat na lalaki.

Sa inisyal na pagsisiyasat, posibleng may kinalaman ang Filipino business partner ni Pang sa pagdukot sa dayuhan.

Naniniwala rin ang mga awtoridad na hindi pa nakaaalis ng Tawi-Tawi ang biktima at mga kidnaper.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.    (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.