Malawakang Brownout, Naranasan sa Baguio at mga Karatig Lugar

NAKARANAS NG malawakang brownout ang lungsod ng Baguio, lalawigan ng Benguet at Mountain Province kahapon mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon kahapon.

Sinabi ni Lilibeth Gaydowen, Public Affairs Officer ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na ito ay dahil sa annual preventive mintenance na isinasagawa nila sa kanilang mga pasilidad para matiyak ang maayos na daloy ng kuryente.

Ayon kay Gaydowen, aabot sa 70 porsiyento na bahagi ng lungsod ng Baguio at lalawigan ng Benguet ang maaapektuhan ng brownout na kinabibilangan ng La Trinidad, Sablan, Tuba, Tublay, Mankayan, Buguias, Kabayan, Bokod, Bakun, Atok, Kapangan at Kibungan.

Samantala, buong lalawigan naman ng Mountain Province ang maaapektuhan sa naturang power interruption.

Tiniyak naman ni Gaydowen na pagkatapos ng pansamantalang pagkawala ng supply ng kuryente kahapon ay hindi na ito masusundan pa.

Magiging sapat naman aniya ang power supply sa panahon ng halalan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.