Malawakang Blackout sa Mindanao

DUMARANAS NG mala-kawang blackout ang mala-king bahagi ng Mindanao.

Kahapon ng madaling araw nang magdilim ang mga bahagi ng Mindanao dahil sa pagkawala ng suplay ng kuryente.

Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), nakaranas ng disturbance ang grid nito alas-3:53 ng madaling araw.

Sinabi ni Beth Ladaga ng NGCP Regional Corporate Communications and Public Affairs Office for Mindanao, mahigit tatlong oras nakaranas ng brownout sa maraming lugar sa Mindanao.

Tinutukoy pa nito ang lawak ng apektadong lugar at maging ang sanhi nito.

Sa Central Mindanao, inihayag ng NGCP na nagkaroon ng “permanent fault” sa Nuling hanggang Cotabato line dahilan para ilipat ang source sa Tacurong substation.

Sa Katimugang Minda-nao naman, kabilang sa mga apektadong lugar ang Davao City, Davao Norte, Davao del Sur, Davao Oriental, Compostela Valley, Cagayan de Oro at General Santos.

Alas-7:30 ng umaga nang maibalik na ang suplay ng kuryente sa Puan hanggang sa Tibungco sa Davao City.

Sa kasalukuyan, naibalik na rin ang kuryente sa Zamboanga City sa pamamagitan ng Western Mindanao Power Corporation, isang power producer; sa GenSan sa pamamagitan ng Southern Philippines Power Corp; sa Davao sa pamamagitan Pulangi 4, at sa ilang parte ng CDO at Misamis Oriental.

Ngunit ilang lugar pa rin sa Mindanao ang inireport na nakararanas pa rin ng power outage tulad ng Northern Mindanao, MIsamis Occidental at Lanao Provinces.

Nakatakda namang maglabas ng detalye ang NGCP ukol sa sanhi ng malawakang blackout.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.