Malat ang boses at nahirapang bumirit
Regine Velasquez, ‘di tinapos ang sariling concert!

PINAG-USAPAN SA Startalk ang nakaraang Silver concert ni Regine Velasquez na hindi na niya tinapos dahil sa nagkasakit ito.

Kinukuwento ng mga Startalk staff namin, awang-awa sila kay Regine dahil sa hirap na hirap ito kumanta.

Nawalan ito ng boses nu’ng araw ng concert nu’ng nakaraang Biyernes, dahil sa ilang araw siyang may sakit.

Kuwento ni Ogie Alcasid, maaring nahawa raw ito kay Baby Nate na nagkasakit pagkatapos yata ng birthday party nito.

Dagdag pa na aligaga rin si Regine sa pag-asikaso sa birthday party ng anak nila ni Ogie kaya siguro na-stress nang husto.

Pero, sa kabila ng sakit niya, itinuloy pa rin nito ang concert kaya lang namamaos na ito kaya hirap na hirap siyang makabirit.

Sa simula pa lang daw ng concert, malat na ang boses nito na ang buong akala niya, maibabalik din. Pero wala talaga, kaya awang-awa ang mga manonood. At in fairness, hindi siya na-boo o nilayasan.

Talagang nag-stay ang mga manonood at pinapalakpakan ito nang husto para mabigyan ng moral support.

Pati sina Anton Diva, Vice Ganda at John Lapuz ay pinaakyat niya ng stage para mairaos lang ang show.

Pero hirap na hirap talaga kaya hindi na niya tinapos ang concert. Tumuloy ito sa dressing room niya at umiyak na lang daw ito nang umiyak.

Kawawa naman, ‘di ba? Pero dahil mahal siya ng mga tao, hindi siya iniwanan. At bilang pasasalamat nito, na-ngako ang Songbird na magkakaroon ng repeat ng libre.

Sabi niya, hawakan lang ang ticket nila para gamitin ‘yun sa gagawin niyang repeat na free concert.

Pati ang mga guests at sina Maestro Ryan Cayabyab at Raul Mitra ay nangakong tutulong nang libre.

Si Kris Aquino nga na nanood din kasama si Vice Ganda, nangakong susuporta siya para mabuo lang ang free concert na gagawin.

Nangako rin ang SM MOA-Arena na ibibigay nila ang venue nang libre para matuloy lang itong free concert.

Kaya masayang-masaya naman ang lahat dahil mapapanood nila uli si Regine na sana nga okay na okay na siya at hindi na muling magkasakit.

 

ITO PALANG si Baron Geisler, talagang may bi-polar disorder at kasalukuyang nagpapa-treat ito.

Nu’ng nakausap ito ni Ricky Lo para sa Startalk, sinabi niyang dumadaan siya ngayon sa treatment. Pero mabuti at tinutulu-ngan ito ng pamilya niya para tuluyang gumaling.

Tuloy pa rin naman siya sa pagtatrabaho dahil tinatapos nga raw nito ang shooting ng El Presidente at nagti-taping pa yata siya sa Kidlat.

Pero gusto na raw talaga niyang gumaling para hindi na naman siya masangkot sa kung anu-anong gulo.

Hay, naku! Matagal na itong pinagdaanan ni Baron at mabuti na lang binibigyan pa rin ito ng pagkakataong makabawi.

Malaki nga ang pasasalamat niya sa pamil-ya niya at sa manager niyang si Arnold Vegafria dahil all-out ang suporta sa kanya at hindi ito iniwan.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

9 thoughts on “Malat ang boses at nahirapang bumirit
Regine Velasquez, ‘di tinapos ang sariling concert!

  1. Kung maka-comment naman kayo akala nu may karir kayo…wala bang karapatang magkasakit ang tao…kung di nya kayo mga fan/s..hinay2 lang sa pagcocomment ng di maganda..sa suma total ng lahat sya pa rin ang nag iisang songbird… kung kinang ang pag uusapan matagal na alam yan ng mga tao na isa sya sa pinakamagaling na mang aawit ng local music industry, kayo ba? ano ang kaya nung gawin? ang mangutya? tsk1 tsk! poor faggot.

  2. SWAPANG KA KASI INDAY REGINE ANDAMI MO NG SHOW SA GMA MAG CONCERT KA BA NAMAN. KALUKA YAN HA AND THE WORST THING NA GINAWA MO SOLOHIN MO BA NAMAN ANG BIRIT SA STAGE AT IGNORE ANG BEST FRIEND MONG SI JAYA SOBRANG TAKAW KA INDAY SA EXPOSURE KUNG ANDUN LANG SI JAYA DI SANA SULIT ANG BAYAD SA PABIRIT TICKET. KALUKA. AYAN NAKARMA KA TULOY LOLA. AND PLEASE LANG INDAY NASA PARTY PILIPINAS KA NA NGA ME CONCERT KA PA ANG MAHAL NG TICKET HA TAPOS PIYOK PIYOK PA DADATNAN SA CONCERT KALURKS

    • ms. beth…. kung maka inday akala mo tumatawag ka nag pinapasahuran mo..baka nga makain ng tatlong beses isang araw dimo magawa… ikaw ba? anong kaya mong gawin? may karir ka bang maipagmamalaki para makapgasalita ka ng ganyan..mag isip ka muna maayos bago ka makapagcomment… inggit ang laman ng pinagsasabi mo..

  3. well ang flopbird ..called it a career hayaan naman ang younger version …kasi naman felling kapapnalo pa lang sa singing contest birit ng birit ayan tuloy nalagutan ng hininga ahaha cancelled si show nyahahh

  4. WALA NA TALAGANG KINANG SI REGINE..KAHIT ANONG PILIT, BOSES NA NIYA ANG UMAYAW..MAGLUTO NALANG SYA BAKA PWD PA WALA RIN NAMAN SYA K SA KUSINA. PARANG KUSINA NI LOLIT..MY FANS BA SI LOLIT SCAM QUEEN???

    • BOBA! DI KA MARUNONG MAGBASA? NAMALAT SI REGINE! NAINFECT NG VIRUS TONTA! HINDI SITA INIWAN NG FANS NIYA DAHIL NAKITA NAMIN ANG TAPANG AT COMMITMENT NIYA SA FANS NIYA DI TULAD MONG PESTE KA NA WALANG BUHAY KUNDI TUMAMBAY SA MGA GANITONG WEBSITE AT MAG-COMMENT NG KACHEAPAN! ANG KATI MO BAKLA! PARA KANG SUROT! SARAP MO I-SPRAY-YAN NGNINSECTIDE! INSEKTA! INSEKTA ALERT!

      • naku asong ulol..naiintindhan mo ba ang ibig sabihin ng career? nagbabasa ka ba na mga tamang balita para sabihin ang mga terminology mo na mga yan? bagay nga ang [pangalan mo sau “asong ulol”

    • naku larag anuman ang sasabihin mo baka magmukha kang kusinera pag nakatabi si regine, or baka naman magmukha kang talakitok na iluluto nya sa kanyang show..masyadong mababaho ang mga bunganga nyo… mag toothbrush ka muna bago ka magsalita ng wala sa tono… 

Leave a Reply

Your email address will not be published.