Malampaya Gas Project, Inungkat sa Senate Probe

PINAGLALABAS NG dokumento ang Palawan provincial government hinggil sa mga proyekto sa lalawigan na pinondohan ng share mula sa Mapalampaya Gas Project.

Sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee, tahasan nang hinamon ni Mika Ortega, anak ng pinaslang na environmentalist at komentarista na si Dr. Jerry Ortega si Palawan Governor Baham Mitra na maglabas ng mga kaukulang dokumento upang patunayan na hindi nila pinaglaruan at kinurakot ang Malampaya funds.

Nagtataka si Ortega kung bakit sa dami ng mga problemang dapat munang tugunan sa nasabing lalawigan gaya ng problema sa edukasyon at pangkalusugan ay inuna ang Coron Reclamation na hindi naman aniya kailangan at pinondohan ng bilyong piso.

Pero kung titingnan aniya ang proyekto ay hindi naman aabot sa bilyong pisong halaga.

Matatandaan na si Ortega ay pinaslang makaraan dahil sa kanyang maiinit na komentaryo laban sa mga opsiyal ng Palawan ukol sa kinukurakot umano na Malampaya funds.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.