Malampaya Funds, ‘Di Gagamitin Para Bumaba ang Singil sa Kuryente

IBINASURA NG pamahalaan ang panukalang paggamit sa kontrobersyal na multi-bilyong Malampaya funds para maibsan sana ang epekto ng nakatakdang power hike sa Metro Manila at ibang bahagi ng Luzon ngayong buwan.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, sarado ang Malacañang sa paggamit ng Malampaya funds dahil isang buwan lang naman ang gagawing pagsasaayos sa nasabing gas power plant sa Palawan.

Sinabi ni Coloma na iro-rollback daw ang singil sa kuryente sa sandaling matapos ang pagkukumpuni sa Malampaya power plant na magtatapos sa December 10.

Maaalala na nawaldas ang bilyun-bilyong pisong Malampaya funds sa mga pekeng NGOs na umano’y minaniobra ng tinaguriang utak ng PDAF scam na si  Janet Lim-Napoles.
Inanunsyo din ng Meralco ang temporary increase ng generation charge mula sa P2 hanggang sa P3 per kilowatt-hour sa mga konsumer nito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.