Malampaya Fund, ‘Di Ubra sa Power Restoration

NAGBIGAY-BABALA ANG ilang militanteng kongresista sa Palasyo hinggil sa binabalak na paggamit sa Malampaya funds para pagpapanumbalik ng kuryente sa mga lugar na hinagupit ng bagyong Yolanda sa lalawigan ng Samar at Leyte.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, miyembro ng Makabayan bloc sa Kamara na lalabagin ng Palasyo ang desisyon ng Supreme Court (SC) kaugnay sa dapat paggamitan ng Malampaya funds.

Sinabi ni Colmenares na malinaw namang nakasaad sa Presidential Decree (PD) na dapat gamitin lamang ang pondo sa energy research, development at produksyon kaya hindi kasama ang electrification projects.

Iginiit din ni Colmenares na may nakalaang pondo naman sa pagpapailaw o pagsasaayos sa mga supply ng kuryente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.