Malamang na single pa rin kundi nakilala si Shalani Soledad Cong. Roman Romulo, sinagot ang ‘bading’ isyu!

KUWENTO NI OGIE Alcasid sa presscon ng Daldalita, parang nakahinga pa raw nang maluwag si Regine Velasquez nang sinabi ng OB-Gyne nito na malamang idadaan siya sa caesarian operation ‘pag nanganak ito.

Mas safe naman daw ‘yun lalo na sa kalagayan ngayon ni Regine na hindi naman kabataan kaya mabuti na ‘yung operahan na lang siya.

Kapapa-check up lang daw nila at mukhang okay naman daw ang kalagayan ng baby nila. Tuwang-tuwa nga si Ogie dahil nakita raw niyang mahaba ang baby na tiyak nagmana raw ‘yun sa pamilya Velasquez, at hindi sa Alcasid.

Medyo mahirap lang daw sa kalagayan ni Regine kung idadaan ito sa caesarian, dahil matagal-tagal ang pagpapagaling. Kaya hindi pa niya alam kung gaano katagal ang bakasyon ni Songbird.

Hayaan na lang daw niya ang asawa niyang mag-decide kung kailan nito gusto bumalik sa trabaho. Puwede naman daw mag-concentrate na ito sa pagiging ina ng baby Nathaniel James nila at pagiging asawa niya.

 

NAKU! NAKA-LUNCH NAMIN ang magkasinta-hang Cong. Roman Romulo at Shalani Soledad nu’ng kamakalawa ng tanghali at naloka sila dahil nagmistulang presscon sila, huh! Kasama namin ang grupo siyempre, at wala silang nagawa kundi sagutin ang mga tanong namin.

Pati nga ang intrigang bading ay sinagot din ni Cong. Romulo. Sinabi niyang tuwing eleksyon ay ganu’n na lang lagi ang paninira sa kanya dahil wala pa nga itong asawa. Sa kanilang magkakapatid, siya na lang ang single kaya tuloy natsismis na ba-ding.

Ngayon lang siya nag-decide na magpakasal, na sabi nga niya kung hindi niya nakilala at naging girlfriend si Shalani, malamang na magiging single na lang talaga siya.

Nakita namin ang kanilang pagmamahalan at masayang-masaya si Shalani sa kanya. Wala pa rin silang masabi kung kailan ang kasal, basta early next year daw, na malamang sa buwan ng January ito.

Wala pa rin daw silang final list ng entourage pero tiyak na kasama raw si Willie Revillame. Baka nga sa Wil Time Bigtime pa nila gagawin ang announcement ng detalye ng kani-lang kasal.

Bukod sa paghahan-da sa kanilang kasal, pinaghahandaan na rin pala nila ang bahay na titirhan nila. Nakabili na pala si Roman ng bahay sa Pasig, pero bibili pa rin daw sila ng bahay sa Valenzuela.

Napagkasunduan na kasi nila na hindi nila pababayaan ang kanilang constituents kaya hahatiin nila ang araw nila sa Pasig para kay Roman at kay Shalani naman sa Valenzuela.

Abangan n’yo ‘yang interbyu namin sa magka-sintahan sa Startalk bukas!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Malamang na single pa rin kundi nakilala si Shalani Soledad Cong. Roman Romulo, sinagot ang ‘bading’ isyu!

Leave a Reply

Your email address will not be published.