Malalaking Malls, Magbabawas ng Gamit ng Kuryente Ngayong Araw

PUMAYAG NA ang mga malalaking mall sa buong bansa na bawasan ang paggamit nila ng kuryente ngayong araw ng eleksyon para maiwasan na maulit ang malawakang blackout.

Kasunod na rin ito ng panawagan ng Department of Energy (DOE) sa mga negosyante sa bansa na magtipid at ilaan ang kuryente bilang pagbibigay-daan sa pagpapatakbo ng Commission on Elections (COMELEC) sa halalan.

Sa halip na alas-10:00 ng umaga, tanghali na magbubukas ang mga SM Mall sa buong bansa ngayong araw para mabawasan ang gamit sa kuryente.

Alas-12:00 na rin ang bukas ng mga Robinson’s Mall sa araw na ito.

Suspendido naman ang operasyon ng mga opisina ng Puregold para lang maka-menos sa kuryente.

Ang pitong Ayala Malls naman, may diskarte rin para matapyasan ang konsumo. Mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon ngayong araw ng halalan ay gagamit sila ng generator.

Bukod sa mga mall, dapat din anilang makiisa ang mga ordinar-yong mamamayan.

Kung hindi naman kinakaila-ngan ng ilaw ay kailangan itong patayin at sa halip na mag-aircon, ay mag-electric fan na lang muna.

Samantala, portable generator naman ang inihanda ng Manila Electric Company (MERALCO) sakaling kulangin ang suplay sa Metro Manila.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.