Malalaking cash prizes, naghihintay para sa winners
ng logo design and theme song writing competition ng
MMFF 2016

MMFFINAANYAYAHAN NG 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang lahat ng mga creative at innovative na mga Pinoy upang sumali sa MMFF Logo Design and Theme Song Making competitions at magkaroon ng pagkakataong manalo ng hanggang Php50,000.00, isang Sony tablet, at all-access passes sa lahat ng mga pelikulang kalahok sa MMFF.

Para sa MMFF Logo Design competition, maaaring magsumite ang mga kalahok ng hanggang dalawang logo entries na pasok sa MMFF Executive Committee criteria: concept (40%), originality (30%), at relevance (30%). Ang mga logo entries, na sana ay nasa vector format, ay dapat ipadala kasama ang registration form sa officialmmff@gmail.com. Ang magwawagi sa MMFF Logo Design competition ay tatanggap ng Php20,000.00, all-access passes para sa dalawang tao sa lahat ng mga pelikulang kalahok sa MMFF, at isang Sony tablet.

Para naman sa MMFF Theme Song Making competition, maaaring magsumite ang mga kalahok ng hanggang tatlong entries na nasa MP3 format. Kailangang nasa 3-5 minuto ang haba ng bawat song entry, isinulat sa Ingles o Filipino, at kailangan ding pasok sa selection criteria ng committee: musicality (30%), lyrics (30%), originality (30%), at impact (10%). Kailangang ipadala ang song entries kasama ang lyrics ng mga ito (sa Word format) at ang registration form sa officialmmff@gmail.com. Ang magwawagi sa MMFF Theme Song Making competition ay tatanggap ng Php50,000.00, all-access passes para sa dalawa sa lahat ng mga pelikulang kalahok sa MMFF, at isang Sony tablet.

Ang mga magwawagi sa logo design at theme song making competitions ay iaanunsiyo sa Setyembre 12 at i-popost ang kanilang mga pangalan sa lahat ng mga opisyal na social media platforms ng MMFF.

Noong unang bahagi ng taong ito, may mga major na pagbabago ang MMFF nang nireporma ang board of directors nito at nagtayo ng bagong selection criterion para sa future entries. Ang bagong season ng MMFF ay magsisimula sa logo design at theme song making competitions upang i-set ang bagong tono para sa pinakamamahal at pinakahihintay na event ng bansa ngayong darating na Disyembre.

Ang deadline ng submission para sa mga entry ay sa Agosto 31. Sumali na sa #reelvolution! Para sa full contest mechanics, bisitahin ang www.mmff.com.ph at i-like ang MMFF Facebook page: www.facebook.com/mmffofficial.

loading...

One thought on “Malalaking cash prizes, naghihintay para sa winners
ng logo design and theme song writing competition ng
MMFF 2016

Leave a Reply

Your email address will not be published.